┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Nandito na sila." Malakas na sabi ni Althea habang nakatingala, sinalubong ng mga mata niya ang helicopter na unti-unting bumababa sa gitna ng malawak na lupain ng hacienda.
Malakas ang ihip ng hangin mula sa propeller ng helicopter, at tinatangay ng hangin ang buhok niya habang pinipigilan niya ang sarili na hindi agad tumakbo palapit. Pero nung tuluyan nang lumapag ang helicopter, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at agad na siyang naglakad papalapit, halos tumakbo na ito patungo ng helipad.
Pagbukas pa lang ng pinto ng helicopter, nakita na agad niya ang dalawang anak nila ni Marcus na tuwang-tuwa na makita siya. Lumundag pa ang mga ito, at excited na tinakbo ang kinatatayuan ng kanilang ina.
"Mom!" Sabay na sigaw nina Mathayus at Ellizar habang mabilis na tumatakbo palapit kay Althea.
"I missed you, babies..." Wika niya, sunod-sunod ang halik sa kanilang noo at pisngi. Pero si Ellizar naman ay naiinis. Ayaw na ayaw nitong tinatawag siya ng kaniyang ina na baby, dahil para sa kanya ay binata na siya kahit na pitong taong mahigit pa lang siya.
"Mommy, we rode a helicopter!" Excited na sabi ni Mathayus.
"And it was so loud!" Dagdag na sabi pa niya, halos tumatalon pa sa sobrang katuwaan. Natawa naman si Althea sa tinuran na 'yon ng kaniyang bunsong anak.
"Of course it is... helicopter 'yan eh." Sabi niya, natatawa sa excitement ng anak.
"Para ka namang ngayon lang sumakay ng helicopter. Lagi naman tayong sumasakay ng helicopter, pero paulit-ulit lang 'yan sinasabi mo." Pakli ni Ellizar, kaya natawa muli si Althea at ginulo-gulo ang buhok ng panganay niyang anak.
"Oo, pero ikaw din, paulit-ulit mo akong kinokontra. Mom oh, si kuya, epal na naman."
Niyakap na ni Althea ang dalawa niyang anak at pinatigil na sa pagtatalo ng mga ito at baka magkapikunan pa. Si Marcus naman ay papalapit na sa kanila, kasama sila Hugo. May hawak pa siyang isang malaking bouquet ng mamahaling bulaklak, nakangiti at puno ng pagmamahal ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa kanyang asawa.
"Babe..." Tawag ni Althea, tila ba kinikilig ng makita niya ang hawak na bouquet ng kaniyang asawa. Tinakbo niya ang pagitan nila ni Marcus at saka niya ito niyakap ng mahigpit.
"Miss me?" Tanong niya, natatawa dahil sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Althea.
"Don't get ahead of yourself." Sagot ni Althea ng bumitaw siya ng yakap, at saka umikot ang kanyang mga mata, sabay irap. Kaya tawa na ng tawa si Marcus, at inabot na lang niya ang bulaklak sa mahal niyang asawa, at isang matamis na halik ang iginawad niya.
"Babe... ipinagluto ba ako ni Pearl ng ibinilin ko sa kanya?" Tanong ni Marcus. Kumunot naman bigla ang noo ni Althea. Kausap lang niya si Pearl kanina, at ng dumating ang helicopter ni Marcus ay nagpaalam na muna ito na may gagawin lang daw siya. Pero wala naman itong nabanggit sa kanya na kahit na ano.
"Ano ba ang pinaluto mo kay Pearl? Hindi ko kasi alam, babe. Bakit hindi ka sa akin nagpaluto? Hindi mo ba gusto ang mga pagkaing niluluto ko para sa'yo?"
Natawa namang bigla si Marcus sa tinuran na 'yon ng kaniyang asawa, dahil tila ba ito nagtatampo, kaya niyakap niya ito at hinalikan muli sa labi.
"Gusto ko lang na siya ang magluluto ng hapunan natin para mamaya. Naghahanap kasi ako ng maasim na ulam, at ang sabi niya ay ipagluluto daw niya tayo ng sinigang na manok sa mangga. Sabi niya ay masarap daw siyang magluto ng sinigang na manok sa mangga, at magugustuhan mo rin daw 'yon, kaya sabi ko siya na ang magluto."
Nagulat naman si Althea, pero napangiti na rin, tapos tinitigan niya si Marcus at tinaasan niya ito ng isang kilay. Nagtataka siya kung bakit parang lately ay puro weird na pagkain ang hinahanap ng kaniyang asawa.
"Nakukulam ka ba?" Tanong niya. Humagalpak naman ng tawa si Hugo at si Nato sa narinig na 'yon, kaya paglingon ni Marcus, biglang tumigil ang dalawa sa pagtawa.
"Babe, oh... pinagtatawanan ako ng dalawa. Pigilan mo ako at baka maiparanas ko sa kanila ang galit ko." Inis na sabi ni Marcus, kaya natatawa na si Althea, at isinukbit na lang niya ang kanyang kamay sa braso ng asawa, at saka niya ito bahagyang hinila upang maglakad na.
"Hindi ko alam kung nakaluto na si Pearl, pero maaga pa naman kaya marami pang oras. Mag meryenda na lang kayo kung nagugutom na kayo, at ang mga anak natin ay bibigyan ko lang din muna ng makakain.
"Bro... nandito na kami."
Biglang napalingon sina Althea at Marcus nang marinig nila ang boses ni Julian. Nasa di kalayuan lang ito, at kakababa pa lang mula sa sasakyan kasama ang asawa niyang si Nimfa at ang dalawa nilang anak na si Julia Grace Nirra Howard na mas lalong gumaganda habang lumalaki ito, at ang bunso nilang si Nimaro Griel Howard na halatang magiging heartbreaker pagdating ng araw.
"Oh my gosh... Naiisip ko pa lang kayo kanina, tapos biglang nandito na kayo? I didn't even know you were coming!" Tuwang-tuwang sabi ni Althea. Lumapit siya kay Julia at agad itong hinalikan sa pisngi.
"You guys really surprised me... sobra." Wika pa niya, saka siya yumuko ng bahagya para tignan ang mga bata. Tahimik naman sina Ellizar at Mathayus sa tabi ng ama nila, nakatingin man, pero hindi sila lumalapit.
"Ang laki na ninyo! And look at you... ang ganda mo na lalo, Julia... and Nimaro, you're getting more handsome ah." Nakangiti pang sabi ni Althea. Hindi maitago ang katuwaan dahil sa mga ito. Ginulo pa niya ang buhok ng dalawang bata, at natawa naman ang mga ito.
Tuwang-tuwa si Althea lalo na kay Julia. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang pinagmamasdan ito. Hindi lang dahil sa maganda ito... pero dahil sa katotohanang may nakatakdang papel ito sa buhay ng anak niya. Dahil si Julia ang magiging asawa ni Ellizar pagdating ng tamang panahon.
Isa iyong kasunduan na nilagdaan nila ng dugo. Walang pwedeng umatras. Walang pwedeng bumali. It wasn't just signed papers... it was a future already decided for them.
Pero hindi lang iyon basta arranged marriage. Kasama sa kasunduan ang pagpapalapit sa dalawa habang bata pa... upang sabay silang lumaki, sabay matuto, at unti-unting makilala ang isa't isa.
And surprisingly... naiintindihan na iyon ni Ellizar kahit bata pa siya. He knows. He understands what it means to carry a name... and a future. Alam din niya na darating ang araw na siya ang magmamana ng VENUM organization. Bata pa lamang siya, inihahanda na siya ni Marcus. Siya ang panganay na anak, kaya siya ang tatayong pinuno ng VENUM, pagdating ng itinakdang panahon.
"Ellizar..." Tawag ni Marcus, calm pero may authority.
Tumingin naman sa kanya ang anak niya. Napakagwapo nito kahit ang bata pa nito. Makikita sa mukha nito ang kainosentihan, ngunit sa likod ng kainosentihan ng mukha na 'yon, isang malaking obligasyon ang naghihintay sa kanya.
"Go greet Julia Grace... she is your future, after all." Utos niya. Tumango naman agad ang anak nila, ngumiti at napatingin kay Julia, medyo seryoso ang mukha ni Julian, pero may kakaibang kislap sa mata niya, pero hindi ito isang takot at pag-aalingan, at lalong hindi rin siya nahihiya... something in between. Pagkatapos ay isang totoong ngiti ang gumuhit sa labi niya.
"Hi." Sabi niya, simple lang, pero may confidence.
"Hi." Sagot naman ni Julia. Nakangiti ito, habang hawak nito ang pet niyang Iguana, kaya medyo dumidistansya si Ellizar.
"I'm Ellizar." Pagpapakilala ni Ellizar kahit na magkakilala naman sila. Natawa tuloy si Althea at Nimfa. Pero ngumiti naman agad si Julia.
"I know. Kilala naman kita. Bakit ka pa nagpapakilala sa akin kung kilala naman kita, at kilala mo ako? Makakalimutin ka na ba?" Sagot ni Julia, medyo may katarayan, kaya napakamot ng ulo si Ellizar at tumingin sa kaniyang ama. Pagkatapos ay nagkibit balikat dahil hindi niya alam ang isasagot niya.
"Julia Grace Nirra Howard... hindi ka dapat ganyan sumagot kay Ellizar." Sabi ni Julian sa kanyang anak. Kapag binanggit na ni Julian ang buong pangalan ng kanilang anak, o sino man sa kanilang dalawa... ibig sabihin ay hindi ito natutuwa, o hindi niya nagustuhan ang ginawa ng mga ito. Pero sa halip... ngumuso lang ito at biglang inilapit sa mukha ni Ellizar ang malaking iguana na alaga niya, kaya napaatras agad si Ellizar na muntikan pang mawalan ng balanse, at biglang nagtago sa likod ng kanyang ama. At nang makita ni Marcus ang iguana, bigla niyang hinila si Ellizar patungo sa harapan niya... at siya naman ang nagtago sa likod ng kanyang anak. Tawa naman nang tawa si Althea dahil sa mag-ama niyang parehong takot sa kahit anong uri ng lizard.
"Are you afraid? This is Lily, my pet." Sabi ni Julia, kaya panay ang atras ni Ellizar, at ni Marcus. Natatawa na tuloy si Julian, kaya bumulong na ito sa kanyang asawa. Maya-maya lang ay hinawakan ni Nimfa ang magkabilang balikat ng kaniyang anak na si Julia upang kausapin ito. Tahimik namang nakamasid lang si Althea, pero hindi nito mapigilan ang tawa. Samantalang si Mathayus naman ay wala lamang kibo na nakatayo sa harapan nila.
"Julia, sweetheart... ilalayo ko muna si Lily, okay? Ibigay mo muna 'yan sa akin." Nakangiting sabi niya, kaya humarap sa kanya si Julia at saka ibinigay sa ina ang kaniyang alagang iguana. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ellizar at saka ito ngumisi.
"Itago mo na 'yan, or ibigay na muna sa bodyguards ninyo. Kinikilabutan ako sa alaga ng anak mo, Julian." Sabi ni Marcus, kaya tawa na ng tawa si Julian at sina Hugo.
-Hello po sa inyong lahat! Kindly read my author's note below. Thank you!- ↓↓↓↓