IKALAWANG KABANATA
'ANG SIMULA NG AMING PAGLALAKBAY SA MUNDO NG MGA ENGKANTO'
Naramdamdaman kung may kumalag ng tali ko sa aking mga kamay at kinuha ko ang aking piring, nagulat at lumaki ang aking mata kahit may tumutulong dugo mula sa aking kilay.
"Zherrad!!!..." gulat na gulat ang dalawang binata na kumalag sa akin.
"Gaven,Hector!!!..."
salamat dumating kayo."
"Ano! ba nangyari sayo at bakit ka nila papatayin hah!."
"Hindi ko alam Hector."
"Tsaka na muna yan bilis sakay na, parang babalik sila," singit ni Gaven.
Hindi nga nagkamali si Gaven bumalik ang mga taong gusto akong patayin,
Kaya mabilis akong umangkas sa motor,
masikip kaming tatlo ngunit wala akong magawa.
mabilis ang takbo ng motor para kaming lumilipad sa ere.
"Bakit ba kayo nandon buti nalang nadaanan niyo ako tiyak na patay na ako ngayon salamat sa inyo, dahan-dahan naman Hector."
"Hindi ko mapigilan Zherrad, diko rin alam kung bakit ganito ang takbo nang motor basta kapit lang kayo."
"Bakit kaba papatayin ng mga yon?."
Tanong ni Gaven.
"Hindi ko rin alam, wala akong idea."
Ang bilis talaga nang takbo ng motor para kaming iniihip
ng hangin, lumaki ang mga mata naming tatlo na may malaking puno na parang nakaharang sa kalsada at nabundol ang motor nila Gaven at Hector, tumilapon kaming tatlo ng malakas.
Syempre dahil malakas ang pagbagsak namin nawalan kami nang malay.
Nang nagkamalay kami, si Gaven tahimik na hinihimas ang ulo niya tumama kasi sa ugat ng malaking puno,
si Hector naman ang pinakamadaldal sa aming tatlo, natabunan siya nang maraming dahon, kung madaldal si Hector ako naman suplado at sobra ding madaldal yon tawag nila sa'kin, nakahandusay ako sa damohan