CHAPTER 22
LOST IN ENCHANTED FOREST
LAND OF NIGHTMATES
( journey in our lives to find the path, hoping to find the truth in what we are fighting for.')
-----------------
Ngunit talaga namangha Ako kung ano Meron Doon sa ilalim ng tubig kaya Panay silip ko sa ilalim.
Tanong ko sa aking sarili bakit parang mga dikya lang naman Ang nakikita ko sa ilalim ngunit! Para Silang mga maliit na babae.
Tinapik Ako ni Gaven nang kanyang tungkod.
Naglalakad na Kaming Lahat
Wala naman Kaming nakikitang Puno nang niyog,
Marami na Kaming nadaanan na ibat ibang mga Puno.
Napatingin Kaming bigla Kay Hector, Kasi nagsimula naman itong mag 'dakdak'.
Hay!!!...Nako nasaan naba! Yong
Puno nang niyog, grabeee para
naman siyang invisible....
Uhaw na uhaw na talaga Ako.
Ssss...wag Kang maingay Hector
Sabi ni Steven bawal mag ingay.
Sabi ko sa kanya na umaasim talaga ang mukha ko.
Wala Ng ingay tahimik na ang lahat, inilibot nalang namin Ang aming paningin...
Nang biglang sumigaw si Hector.
ARAY!!!...
May bumagsak sa kanyang ulo.
Kaya napatakbo Kami ni Gaven at inalalayan namin siya.
Nagulat Kaming Lahat nakita naming nakahandusay si Hector nawalan ng malay.
Tumakbo Kami ni Gaven sa kinaroroonan Niya. At isinandal namin siya sa puno nang niyog bumagsak pala sa ulo niya Ang bunga.
Nataranta Ako at napatakbo, at hinabol ako ni Yanni.
"ZHERRAD!!!...saan kaba pupunta kanina pa kita tintawag".
"HAH!.a-e maghahanap Ako nang dahon na itambal sa ulo Niya".
"Sege' Tulungan kita ano ba yon?."
Okey narin si Hector nagkamalay narin ito, at nakangiti narin Siya.
Tuwang tuwa talaga Kami sa 'wakas' makaka inom narin Kami, dahil walang marunong sa Amin umakyat sa Puno Ng niyog
ginamit namin Ang mga sandata.
Pagkatapos namin Kumain at uminon Ng buko, bumalik Kami sa may ilog na kung tawagin nilang "the mysterious lake".
At dahil bulobundokin Ang Ang dadaanan namin sa gilid Ng ilog kami dumaan,
Masikip ito tila medyo nakakatakot,
Malikot Kaming dalawa ni
Yanni naghaharotan, sinita kami ni Harrold.
"ANO! ba kayong dalawa tigilan niyo nga yan, mahulog kayo."
Ngunit Hindi parin Kami tumigil naitulak ko si Yanni at muntik na itong mahulog kung Hindi ko nahawakan ang kanyang kamay.
Kaya naitulak din Ako nito, Hindi ko napansin tumipik Ang gilid nang ilog na inaapakan ko at na "out balance" Ako at nahulog ako. Nakita Ako ni Harrold at hahawakan na sana Niya Ang aking kamay ngunit huli na, iba pala Ang nahawakan ko Hindi kamay Niya Ang kanyang kutselyong maliit na nasa bewang niya at dala dala ko Hanggang sa natuluyan Akong nahulog sa ilog.
Bigla Akong naglaho,
Hindi na nila Ako nakikita sa ilalim Ng tubig
Umiyak si Yanni Ng huminahon tumulo Ang kanyang
Luha at para bang naramdaman ko na pumatak sa aking mga labi Ang kanyang luha.
Kaya dumilat ang aking mga mata at bumulaga sakin ang Isang dambuhalang octopos.
At naramdaman ko na sinasakal Ako nang galamay nito.
At bigla kung naalala Ang kutselyo ni Harrold, pinutol ko ito na naka pulupot sa aking leeg,
Matapos sa leeg sa aking paa naman Siya pumulupot,
Pinagpuputol ko Ang kanyang mga galamay ngunit Hindi ko parin Siya kaya at sa kamay ko naman Siya pumulupot
Hindi ko maigalaw Ang aking kamay at nabitawan ko Ang kutselyo ni Harrold at pati narin sa aking leeg parang mawalan nako ng ulirat dahil nakapulupot sa leeg ko ang galamay. at nang may biglang lumitaw sa aking harapan,
Isang napakagandang babae,
"Harrold paano na si Zherrad?" tanong Yanni.
Tatalon na sana siya ngunit pinigilan siya ni Harrold.
Hindi sumagot si Harrold sa tanong ni Yanni, hindi Niya alam ang kanyang gagawin.
Si Gaven ang kanyang dalawang kamay ipinatong niya sa kanyang ulo
Si Hector ay tinakpan Niya ang kanyang bibig at Isang kamay Niya ay nasa bewang niya.
naawa naman si Gaven Kay Yanni,inalalayan niya itong tumayo
"Tara alis na tayo,"
Sabi ni Hector na hindi ito nag alala sa kaibigan.