LOST IN ENCHANTED FOREST
LAND OF NIGHTMARES
WRITTEN BY: Sweetierabbit
CHAPTER 26
('Ang dalawang engkantong daga')
Dahil nanginginig ang kamay ni Yani, binigay niya sakin.
"Ikaw na Zherrad..."
Inabot ni Yanni ang susi sakin.
Ngunit nanginginig ang aking mga kamay kaya 'tumilapon' ang susi.
Lumipad ang susi,sumabit sa sangga ng malaking puno sa tabi ng tarangkahan'.
"pasinsiya na nabitawan ko
ang susi."
"Sandali may idea ako."
Tumingin si Gaven sa dalawang engkanto.
"Ah! Mga kaibigan may kapangyarihan kayong mag transform bilang daga, di ba?."
Naintindihan nang dalawang engkanto, ang ibig sabihin ni Gaven kaya nagtransform sila maging daga ulit at dali2 Silang umakyat sa puno. sila ay magkapatid.
Nang nakuha nila ang susi kaagad nilang hinagis sa akin.
Minuto nalang natira mag takipsilim na, buti nalang nabuksan ko agad.
Hindi na kami nagulat na pumasok kami sa isang lungsod, pero malalim na pala ang gabi, tanging ilaw na lang ang nakikita namin sa mga poste.
May pahingahan kaming nakita Isang 'waiting shed',
nag pahinga muna kami.
Hirap maglakad si Gaven pero, sinubukan parin niyang pumasok sa waiting shed, si Hector umupo sa gilid ng kalsada kasama ko at ang dalawang daga ah! hindi dalawang engkanto Isang lalaki at babae, ang ganda ng mga itsura nila matatangos ang ilong, si Harrold at Yanni kasamang umupo sa 'waiting shed'.
Oras na para tanungin ang dalawa.
"Sino kayo?.." tanong ko na
kumunot ang noo.
"Ah! Ako si Alexton, at kasama ko si Elayda ang aking kapatid na babae!."
"Ano naman ang ginagawa niyo doon sa tabi ng dagat?."
Tanong ni Hector.
Bumuntunghininga si Alexton Bago siya sumagot.
"Matagal na kami doon, nagmamatyag, naghihintay ng pagkakataong makapasok kami.
Maraming salamat sa Inyo mga kaibigan, dahil sa Inyo nakapasok na kami."
"Bakit ano ba ang pakay niyo dito?"
Tanong ni Gaven na umaasim ang mukha dahil sa sugat niya sa binti.
"Dahil sa aming ama, Iwan ko kung napano siya dito, kung naging kasapi ba siya ni Vulba or nakulong siya."
"Ah! Meron kayong mga kapangyarihan bukod sa mag transform ano pa pwede niyong gawin?"
Tanong ni Harrold.
"Oo Meron, kaya namin mag transform kahit anong klasing
Hayop."
Tahimik ang paligid, wala kaming naririnig na huni ng iba't ibang hayop sa paligid.
"Kung meron kayong mga kapangyarihan,hindi ba kayo pwede mag pagaling ng sugat?."
Tanong ni Hector na nagmamasid sa paligid
"Oo, naman kaibigan, pweding pwede."
Hinipan ni Alexton ang kanyang palad at inilapat Niya sa leeg ni Hector, at nawala kaagad ang sugat niya.
At Pati narin Kay Gaven at Harrold at si Yanni si Elayda naman ang gumamot sa kanya.
Dahil malalim na ang Gabi nakatulog kaming lahat sa silong sa 'waiting shed', naalimpungatan kami na may biglang sumipol,