LOST IN ENCHANTED FOREST
LAND Of NIGHTMARES
CHAPTER 35
"Hindi yun bahay ni Yanni diba Gaven?."
singit ni Harrold.
"Oo parang"
sagot ni Gaven
"At hindi iyon ang 'Papa' ko"
Biglang nagsalita si Yanni kahit nakapikit ito.
"Ano!!! Ako lang ang walang alam,
ibig sabihin hindi 'tayo' nakalabas ng 'Engkantong gubat nato?,
paano naman niyo nasabi yan ha! 'Insan', Harrold, Yanni?.
Tanong ni Hector na nagtataka at kumukunot ang noo.
"Nang kumain tayo doon, napansin kong iba ang mukha ng papa ni Yanni sa salamin."
paliwanag ni Gaven.
"Ano naman sayo Harrold?"
Tanong ni Hector.
"Hmmm...nakita kong kumislap ang mga mata ng 'papa ni Yanni."
"Huh! kailan?"
tanong ni Hector.
Nang kumain tayo doon, napansin kong iba ang mukha ng papa ni Yanni sa salamin."
paliwanag ni Gaven.
"Ano naman sayo Harrold?"
Tanong ni Hector.
"Hmmm...nakita kong kumislap ang mga mata ng 'papa ni Yanni."
"Huh! kailan?"
tanong ni Hector.
"Nang bigla kong ihinto ang sasakyan, tumama ang bibig mo sa likod ng upuan na inuupuan ko."
"Hmmm...ganun ba! Yanni ikaw, ano sayo?"
Pero hindi sumagot si Yanni, nakapikit parin ang kanyang mga mata.
Biglang pumasok ang matanda my dala-dala na itong pagkain at barakong kape.
"Tama ang hinala ninyong lahat ngunit hindi kayo makaalis sa lugar na ito dahil hindi pa tapos ang inyong misyon."
Paliwanag ng matanda.
"Ano yun Lolo?, anong misyon."
Tanong ni Yanni at bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ni Harrold dahil nakaupo si Harrold sa mahabang upuan.
"Kung ano man ang misyon ninyong lahat, ay hindi ko maipaliwanag sa inyong lahat, ngunit may babala lang ako, bago ko sabihin ako pala si Hugo, hmmm mag ingat kayo sa inyong paglalakbay dito sa gubat, mag ingat kayo sa 'worm forest city at sa tuko".
Nakakabigla ang mga babala ni lolo sa kanila.
Natakot silang lahat sa sinabi ni Lolo ngunit kailangan nilang mag-ingat at maging matapang dahil kailangan pa nilang iligtas ako, tumindig ang kanilang mga balahibo sa babala ni lolo.
"Ano! lolo, nakakakilabot naman ang sinabi mo, hmmm... anong ibig mong sabihin sa 'worm forest city', ano yun lolo?"
Tanong ni Hector na nakakunot ang noo.
"Hindi ko maipaliwanag sa inyong lahat, mag-iingat na lang kayo, kumain na kayo at matulog dahil bukas hindi pasisikat ang araw, aalis na kayo."
Nagpahinga na ang lahat at bumalik si Yanni sa 'rocking chair' doon siya natulog si Harrold sa mahabang upuan malapit sa 'dining table', si Hector sa malapad na stool malapit sa bintana katabi ni Gaven.
Matapos ang mahabang oras ng kanilang pagtulog ay bigla silang nagising nang sumigaw si Hector.
"Ano ka ba Hector bakit ka sumigaw?"
Sabi ni Yanni habang nakapatong ang kanang kamay sa noo.
Biglang nagising ang lahat sa malakas na sigaw ni Hector.
kaya napagalitan na naman siya ng pinsan niyang si Gaven.
"Ano ka ba! Hector, sumisigaw ka na parang bakla.
ano yun?" tanong ni Gaven
"Kakasi nakita ko si thinkerbell"
Sagot ni Hector
"Nananaginip ka lang Hector, isang bubuyog lang na lumilipad-lipad"
singit ni Harrold
Ang totoo ay hindi nanaginip si Hector. dahil may isang fairy bee na dumapo sa kanyang ilong para gisingin siya.
Napabuntunghininga na lamang si Hector sa nangyari sa kanya.
Babalik na sana siya sa paghiga ngunit biglang pumasok si lolo Hugo.
"Gumising na kayong lahat at uminom muna ng kape bago kayo umalis."
May ibinigay sa kanila ang matanda.
"Hmmm....Suotin niyo yan."
"Ito ay isang kwintas lolo at para saan 'po!' ito? parang ngipin ng hayop, lolo, ang ibig niyong sabihin isa po itong anting -anting?"
"Oo isang anting-anting sa mga masasamang elemento at hipnotismo sa mga masasamang engkanto."
tsa tsa umalis na kayo.
Umalis na sila sa kubo na may takot at pangamba, ngunit kailangan nilang maging matapang sa bawat paglalakbay nila sa gubat.
Abangan ang aming journey muli sa ikalawang yugto ng enchanted forest.