CHAPTER 40
Nagkatinginan ang apat, nagtataka sa sinabi ni Gallad.
ano ang kinalaman ng bato sa bulsa ni Hector at kung paano nila ito gagamitin, at napakamot ng ulo si Hector, hindi nila alam kung saan sila magsisimula, wala silang makitang daanan na pwede nilang sundan.
Dahil puro puno at baging ang nasa paligid at naririnig nila ang mga huni ng iba't ibang hayop at insekto sa gubat.
Pagpasok nila sa pangalawang tarangkahan ay kasisikat pa lang ng araw.
Nagulat ang lahat ng nawala ang gate na pinasukan nila at puro malalaking puno ang nakikita nila sa paligid, at ang sumisikat na araw, ay sumisikat sa buong kagubatan na tila diyamante na kumikislap.
Umupo si Yanni sa isang malaking bato at nakakapit sa isang malaking puno, at hindi mapakali si Gaven na umiikot sa paligid na naghaha