LOST IN ENCHANTED FOREST
LAND OF NIGHTMARES
CHAPTER 45
Tumayo ang lahat at pumulot ng patpat para tamaan ang mga pusa at binuhat ni Hector si Yanni at mabilis na tumakbo palayo, naiwan silang dalawa na nakikipaglaban sa mga halimaw na pusa, dahil sa sobrang pagkalmot nila kay Gaven sa kanang braso ay natumba ito,
Akmang kakagatin na sana siya ng pusa pero biglang may sumulpot na napakaamo na pusa at kinalmot niya ang halimaw na pusa dahil kakagatin niya si Gaven kaya,
nagsimulang umungol ng malakas ang maamong pusa.
biglang tumigil ang mga pusang halimaw at nagsipagtakbuhan ang
mga ito tila natakot sa ungol ng maamong pusa.
Nagsitakbuhan ang mga halimaw na pusa at ang paligid ay natatakpan ng alikabok, ang mga buhangin ay lumilipad at ang buong kagubatan ay natatakpan ng usok.