CHAPTER 9
LOST IN ENCHANTED FOREST
LAND OF NIGHTMARES
WRITTEN BY: Sweetierabbit
love at firstsight
'Don't be naughty in the world you have entered lest you stumble without knowing it, do not take it without blessing, lest you be punished because eternal life is yours.'
Chapter 9
"Oops!! ... Hind ako sasama sa inyo
at ako lang ang hahanap
kay Bolabo at
walang sasama."
Nag-alala na tuloy si Harrold sa kanya, hindi niya alam kung paano niya pipigilan si Yanni.
"Ah! Yanni hindi naman ako papayag niyan na aalis ka mag-isa."
"Hindi! Ako lang, walang sasama, naiintindihan niyo,
ang sasama sakin patay."
Umalis si Yanni at sinundan lang namin ng tingin, pero hindi ko kinaya, Sinundan ko siya, pero pinigilan din ako ni Gaven.
"Zherrad saan ka pupunta? gusto mo mamatay."
"Huwag kang mag-alala babalik siya," sabi ni Hector na ngumingiti.
Hay! ang tapang pala
ang anak ni Prinsesa,
kunsabagay parang
si Prinsesa talaga
ugali niya wala siyang dyamanting
nakapatong sa
kanyang noo.
hay nakalimutan ko pala na tao din pala
siya , hindi pala siya
isang engkantada.
Naglalakad si Yanni sa isang bangin, at biglang napahinto nang may makita siyang hindi sa kalayuan sa kinaroroonan niya, hindi siya makapaniwalang may nakita siyang grupo ng mga tao na nakaitim na damit at lumilipad sa ere",
hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung siya ay uurong or tutuloy siya, iniisip niya na ang kanyang Kapangyarihan ay hindi sapat, Kaya wala siyang magagawa, ang bumalik sa kanyang mga kasama.
Tumakbo pabalik sa amin si Yanni na sumisigaw
"Harrold!!! ... Zherrad, Hector, Gaven, may mga taong lumilipad at napakarami nila, sino sila?"
"Mamaya ko na ipaliwanag sayo," sa ngayon wala tayong magawa kundi ang tumakbo at magtago,hahanap tayo mapagtaguan.
Hinila ni Harrold si Yanni tumakbo kami nang mabilis kahit ano ang aming maapakan bahala na.
Ngunit hindi parin sapat ang bilis namin naabutan parin kami, kaya wala kaming magagawa ang lumaban na lang. maingay sila para silang gutom na hayop.
May sipa suntok dahil hindi namin magagamit ang pitik
pitik ng daliri namin, para labanan ang mga halimaw,, minsan may pagkakataon kaming kalabitin ang mga daliri namin ngunit kahit matatamaan sila nang "the power of color ball" namin sa diliri puputok sila sa ere" ngunit!! bumabalik din.
Shit "bakit! Hindi pa rin sila namamatay ng ganito!
Sabi ko sa sarili ko, Si Harrold ang maliit niyang espada hinahampas niya sa mga halimaw.
Nakagawa kami ng paraan na makapuslit sa kanila at nakahanap kami nang puno ng balete, medyo kinabahan ako dahil sabi binabahayan daw ito ng masasamang nilalang.
Napagod kaming lahat, napansin kung nag-aalala si Harrold at napabuntong-hininga
at bigla itong nagsalita.
"Ah! ... Yanni may ibibigay ako sayo."
biglang tumibok ang puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Harrold kay Yanni.
Kinabahan tuloy ako sa maaring mangyari kay Yanni sa sumpa ng kwintas.
bakit kaya ganito ang nararamdaman ko, bulong ko sa aking sarili.
"Isuot mo yan at ingatan mo yan, bigay ng ina mo yan,
binilin niya bago siya namatay."
Kinuha niya ang kwintas at isinuot ito sa kanyang leeg, at kukunin na sana ni Yanni ulit ang kwintas sa kanyang leeg ngunit pinigilan ito ni Harrold.
Napakunot nang noo si Yanni sa pag pigil ni Harrold sa kanya.
'Huwag Yanni'.
"Bakit Harrold?."
Tanong ni Yanni.
Lumundag ang puso ko akala ko talagang kukunin ni Yanni ang
kwintas, at sa akala ko meron pang besa ang sumpa.
"Huh!...ano nangyari
sa aking Ina?."
nagkatinginan kaming tatlo kinakabahan sa isasagot ni Harrold.
"Ah, inatake kami ng mga makamandag na mga unggoy, kinagat si Prinsesa Zherrian ang Ina mo."
paliwanag ni Harrold.
Huminga kami ng malalim akala namin sasabihin talaga ni Harrold ang totoo.
kung minsan ang pagsisinungaling ay makakatulong din.
dahil sa pagod umupo kami at nakasandal ang kami sa malaking puno nang balete ng biglang tumaas ang boses ni Yanni.
nagulat kaming lahat at napatingin ako sa kanya.
"Array!..."
sigaw niya.
"Bakit! ano nangyari sayo Yanni?."
"Kinagat ako nang langgam Zherrad."
"Hah!... saan?."
"Ayan oh` sa harap mo..."
Hahhh ... anong klaseng langgam yan ....
Napatigil ako sa pagsasalita dahil nakita kong nahimatay si Yanni, tinapik tapik ko ang mukha niya,
ngunit hindi na ito nagigising
"Harrold bakit ganito ang mukha ni Yanni bakit siya namumula at ang namamaga ang kanyang mukha."
parang iiyak ako sa kalagayan ni Yanni hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bigla akong nakaramdam ng takot, kung ano ang mangyayari sa kanya.
"WALANG HIYA!!!
may kamandag ang langgam na kumagat sa kanya, kung hindi siya magamot mamatay si Yanni, bilis lumabas na tayo dito."
"Eh! bakit ganun parang mga daga kalaki ang ang mga langgam na iyon."
"Oo, Zherrad nandito tayo sa ilalim ng puno ng balete."
Takbo kami ng takbo pasan-pasan ko si Yanni, bigla kaming napahinto ng sumigaw si Hector.
"Tigil...sabi ni Hector