I always love the sea yet I am afraid to dive to its deepest.
Nakakatakot kasi.
Nakakatakot ang dilim sa ilalim nito at hindi mo alam ang mga bagay na nakakasalamuha mo.
Kaya naman.
Kaya naman mas pinili kong mamalagi nalang sa mababaw na parte nito.
"Ang init!"
"Ang init talaga!"
"Ber-months ang init parin!"
Umalingaw-ngaw sa aking tainga ang walang humay na daing ni Sandie tungkol sa panahon.
"Sa labas na nga tayo nag siesta, ang init parin."
Minulat ko ang aking mga mata at bumangon sa lantay na hinihigaan namin. Nakita ko siyang pawis na pawis at pinapaypayan ang sarili.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay, nagsisiesta dahil holiday at walang pasok ngayon. Dahil malaki at malawak na ang Talisay Tree sa gilid ng bahay, naisipan ni papa na gumawa ng lantay at ilagay sa ilalim nito upang may pahingahan kami kung sakaling hindi na makayanan ang init sa loob ng bahay.
"Buti ka pa nakatulog." Wika niya sa akin.
Marami pa siyang mga dinatdat na mga salita pero dahil kakagising ko lang, hindi ko maiproseso ang bawat hinaing niya. Ang alam ko lang, nagrereklamo talaga siya sa init ng panahon.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang aking buhok at itinali ito. Kinusot ko ang aking mga mata at mahinang sinampal ang magkabila kong pisngi.
Kinuha ni Sandie ang kanyang cellphone at pinakita sa akin ang screen nito na may nakatop-less na lalaking anime character.
Alas tres na pala ng hapon.
"Ano na naman niyang wallpaper mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Si Toji."
"Toji?"
"Toji Fushiguro. 'yung sa JJK." Paliwanag niya kahit alam niyang ni-isa hindi ko maiintidihan. Kahit kailan talaga hindi ko mawari kung anong meron sa anime at halos kaluluwa ay handa niyang ibigay.
Binalewala ko nalang ang mga paliwanag niya at tumayo upang ayusin ang mga kumot at unan na ginamit namin.
“Sabi ko sa duyan nalang tayo matulog eh, mas mahangin pa do’n.” Gamit ang kanyang nguso itinuro niya ang duyan sa pagitan ng dalawang punong nasa may dalampasigan.
“Alam mo namang nahihilo ako sa duyan.” Wika ko sa kanya. Nang matapos kong iligpit ang mga kumot, pumasok na ako sa bahay upang isauli ang mga ito sa kwarto ko sa ikalawang palapag ng bahay.
Nang makabalik ako sa labas, naroon parin si Sandie na nakahiga sa lantay habang abala ang mga kamay nito sa cellphone.
“Sandie.” Tawag ko sa kanya. “Ayaw mo magsnack?”
“Reals tayo.” Sagot nito nang hindi tumitingin sa gawi ko.
“Wala na akong pera ‘tsaka uuwi na sina mama at papa mamayang ala sinko. Kailangan ko pang magluto.”
Umupo si Sandie mula sa pagkakahiga at tinitigan ako.
“Ang pangit mo ka bonding.” Kumunot ang mga noo nito at ngumuso habang nakahalukipkip.
Nagkibit-balikat nalang ako at nag-aakmang aalis sa kinatatayuan nang biglang nagsalitang muli si Sandie.
“Oo na. Libre ko na pero magbabike tayo papunta doon. ‘Tsaka sa Sta. Rosa ka nalang bumuli ng haponan.”
Napatigil ako sa mga salita niya at napaligon sa kanyang gawi. Nagngiting aso ako at napangiwi naman siya.
Nagpaalam muna saglit si Sandie upang kunin ang bike niya at mag-aayos pa daw ito, tumango lang ako at agad naman itong umalis. Naghilamos ako at nag-ayos saglit. Kinuha ko sa likod ng bahay ang mountain bike ni kuya dahil sira payo’ng bike ko.
Nakatira kaming dalawa ni Sandie sa iisang compound. Ako sa pinakadulo kung saan malapit sa dagat at ang bahay naman nila’y malapit sa gate ng mismong compound.
Hindi magkamag-anak o magkaano-ano ang mga nakatira dito. Sadyang napagdesisyonan nalang ng mga magkapit-bahay na gawing compound ang lugar dahil mga beach at resorts na magkabila nito.
Bago ako umalis, sinigurado ko muna na nakalock ang lahat ng pintuan sa bahay, nakasirado lahat ng bintana at walang mga electrical devices na naka-on.
Nang makarating ako kina Sandie, nakita ko itong kumakaway sa may gate na nakawhite shorts, nakasleeve less top at naka “Attack on Titan” jacket. Kahit wala akong alam sa anime dahil datdat siya ng datdat kada araw tungkol doon, nasasaulo ko na ang bagay-bagay na iyon.
“Ano na naman ‘yang suot mo?” Tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
“Itong Survey Corps jacket?” Tumalikod ito at pinakitang mabuti sa akin ang logo ng kanyang jacket.
“Oo. Anong trip mo ngayon?”
“Hindi natin alam kung kailan tayo ii-invade ng mga titans.” Seryosong wika niya na akala mo namang may posibilidad na mangyari.
“Wala tayo sa Paradis.” Nilagpasan ko siya at sumakay sa bike para makalabas sa compound.
Nasa kalsada na ako at tinuon ang pansin sa daan nang biglang narinig ko ang tili ni Sandie sa likuran.
“Problema mo?” Tanong ko sa kanya ng hindi tumitingin sa likod dahil nahihirapan parin ako sa mountain bike.
“Kasi naman! Alam mo yung Paradis. May alam ka na sa anime.”
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya at nakangiti.
“Konti nalang at manonood ka na talaga.” Dahil naka three-wheeled bike siya, pumalakpak ito at hinahampas-hampas pa ang braso ko. At dahil naman hindi pa ako masyadong marunong sa mountain bike isama mo pa na dapat pa ako magtingkayad upang maabot ang upuan ng bike, napagiwang-giwang ang takbo nito.
“’Pag ako talaga sumemplang…” may pagbabanta ang boses ko.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na tila’y sumusuko.
Lumipas ang ilang minuto naming pagdadrive at iilang bahay na ang nalagpasan, nakarating kami sa bahagi ng barangay kung saan ang kalsada ay nasa baybayin na mismo at dahil narin high tide ngayon, umabot na ang dagat sa kalsada at may mga seaweeds na nagkalat.
Kahit alas tres na ng hapon, maraming bata parin ang naliligo at makikita mong matagal na itong nakababad sa araw at nakatampisaw sa dagat dahil ang mga balat at mata ay namumula na.
“Nakakamiss. Kung hindi lang sana mahal ang rejuvenating set araw-araw akong magpapakalunod sa dagat.” Wika ni Sandie sa kanyang sarili.
Napangiti nalang ako sa kanyang saloobin.
Nakatira ako sa Isla Olango. Isang isla na kaharap ng siyudad Lapu-Lapu sa probinsya ng Cebu. May kalakihan ang isla at marami ng nakatira rito.
Sa mahigit labing-walong taon, hindi ako nagsawa sa tanawin at pamumuhay sa isla.
Sariwa kasi ang hangin, malinis ang paligid, at kahit isa itong isla, marami na ang mga establisyementong nakatayo dito mula sa mga coffee at milk tea shop hanggang sa mga camp sites, inn, resorts, at beach.
Malakas ang turismo rito lalo na kapag sabado at lingo. Hindi man ito katulad ng ibang Isla kung saan malawak ang shoreline, napapalibutan naman ito ng mga mangrove trees na siyang naging pangunahing dinadayo ng mga turista.
Dahil nalunod ako sa aking mga saloobin, hindi ko namalayan na nakalagpas na kami sa RJC at papatawid na sa maikling tulay na tinatawag naming imburnal. Medyo delikado dahil may pagkakurbada ang kalsada rito at marami na ang naaksidente.
Pasimple kong hininaan ang pagtapak sa pedal ng bisikleta dahil sa komplekadong daan at sa dami narin ng mga batang nagsisitakbuhan patuwid ng kalsada upang makatalon sa tulay.
Subalit minsan, kahit anong ingat mo, ‘pag ang kamalasan para sa'yo, lalapit at lalapit talaga.
Malapit ko na sanang malampasan ang buwis-buhay na karanasan sa imburnal nang biglang may tumawid na bata. At dahil naging kampante ako sa iilang sigudong iyon dahil sa pag-aakalang makakatawid na ako, hindi na ako makaisip ng maayos na imbes unahin ko ang paghawak sa brake ng bisikleta, binaba ko aking dalawang paa at gamitin iyon upang pahintuin ang bisikleta. Sa kasamaang palad, halos hindi maabot ng aking mga paa ang kalsada kaya walang posiblidad na mapapahinto ko aking sinasakyan kaya napapikit nalang ako habang nanarinig ang mga sigaw ni Sandie at naghintay sa susunod na mangyayari.
Nagulat ako nang biglang tumigil ang bisikleta na tila may nagpahinto nito. Naramdaman ko ang isang kamay sa upuan ng bisikleta at tila ang higpit ng hawak nito.
Minulat ko ang aking mga mata at ang una kong nakita ay isang kamay na nakahawak sa manibela. Naglakbay ang aking tingin mula sa kamay nito papunta sa braso hanggang sa umabot ang aking tingin sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung gaano katagal ang sigundo dahil nagkaroon pa ako ng lakas ng loob na suriin pa ang bawat bahagi ng kanyang itsura.
Nang ang titig ko'y dumapo sa kanyang mga mata, nakakagulat na makitang nakatitig din ito sa akin.
Dahil alas tres na ng hapon at ang sinag ng araw ay nakatuon sa gawi ng taong kaharap ko ngayon. Binibigyan diin nito lalo ang kanyang mga mata na kung ikukumpara mo sa isang teatro, ang ilaw ng mga lente ay nakatuon lamang dito at wala ng iba pa.
Sa unang tingi’y aakalaain mong pangkaraniwang mata lamang ito na kakulay ng isang makulimlim na gabi at kahit ni isang lampara ay walang sindi.
Subalit kung pagtutuuan mo ito ng pansin, ang mga detalying singliit pa sa grano ng buhangin, masasaksihan mo ang tunay na kulay nito. Sigdilim man ito ng isang makulimlim na gabi, ang sinag ng araw ay nagpatingkad sa mga nagsasambulat na mala-abong kulay.
Kahit mapupungay at pag-aalala ang mga naging ekspresiyon nito, hindi ko mawari kung bakit may nararamdaman akong pangamba dito. Kabalintunaan mang maituturing subalit sa gitna ng pangambang nararamdaman, ngayon ko lang naramdaman ng ganitong kapanatagan.
Gaano katagal ang sigundo at nagawa ko pang iproseso and lahat ng ito?
“Ace!”
Ang diwa kong nagpapakalunod sa karagatan ng pagkatulala ay nagising sa sigaw ni Sandie.
Napagtanto ko nalang na nasa harap ko na siya. Agad nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko at mahinang inalog.
“Okay ka lang?”
“Ha?”
Napalingon akong muli sa taong nagpatigil sa bisikleta at hindi rin natanggal ang mga titig nito sa akin. Sa pagkakataong iyon ko lang napagtanto ang lahat na mga nangyari.
Agad akong ginapangan ng hiya dahil sa sitwasiyong kinalalagyan ko ngayon. Mabilis kong niyuko ang aking ulo at humingi ng pasensya.
“Sorry! Naku sorry!” ‘Yun lamang ang mga salitang lumalabas sa aking bibig at halos hindi ko na kayang iangat ang aking pagmumukha.
Biglang sumagi sa isip ko ang batang muntik ko ng masagasaan kaya agad kong nag-angat ng tingin upang tanungin ang taong nagpahinto ng sinasakyan ko.
Hindi naman ito sa sumagot at sa halip ay ibinaling lamang ang pansin sa gawing harap ng bisikleta at doon nakita kong may isang lalaking nakahawak sa bata at maayos lang naman ang lagay nito.
“Sorry, dong” Nagpeace sign ako sa bata.
Tumawa lamang ito nagmamadaling umalis upang makatalon.
Napabugtong hininga ako nang malamang wala akong naagrabyadong tao.
Muli akong yumuko at humingi ng tawad. Medyo mapalad ako ngayon dahil lahat ng nandito ay bata maliban sa dalawang taong iyon na nagligtas sa bata at sa nagpahinto ng bisikleta ko.
Ibinaling ko muli ang atensiyon sa taong nakahawak sa manibela.
“Salamat nga pala at sorry dahil nadamay ka pa.”
Wala naman itong naging tugon at tumango lamang. Agad siyang bumitaw mula sa pagkakahawak ng manibela at sa upuan, at lumayo ng bahagya mula sa aking kinatatayuan.
“Sigurado ka lang okay lang?”
“Natense lang ng konti pero okay lang ako.” Napahilamos ako sa aking palad at naghanda upang ituloy ang biyahe.
“Keri eh, kaya go.” Bumalik si Sandie sa sinasakyang bisikleta nito at ako naman at nagsimula sa pagtapak sa pedal. Bago ko malagpasan ang dalawang taong tumulong sa amin nagpasalamat akong muli.
“Ingat kayo.” Wika ng lalaking nakaligtas sa bata at sumaludo ito. Tango at ngiti lamang ang mga naging tugon ko.
“Iba talaga si Bridge-kun!” Agad akong hinampas ni Sandie sa balikat nang makarating na kami sa Reals.
Nagulat naman ako at wala akong niisang ideya tungkol sa pinagsasabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Kasi naman! Sa mga romance anime, malaking factor talaga yung bridge, bench, at saka hagdanan sa storya ng dalawang lead characters. Do’n nagaganap yung unang pagkikita, confession, kissing scene, at iba na magreresulta sa character development.” Seryosong paliwanag nito habang paupo kami sa napiling pwesyo ng kainan. Napangiwi nalang ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
“Gutom lang ‘yan.”
“Lemonade ‘tsaka clubhouse sandwich. Yun na nga-”
Napabugtong hininga ako at tumayo upang umorder at habang naglalakad ako papunta sa counter hindi parin siya tumigil sa kakasalita. Dahil wala naman tao bukod sa amin, halos pasigaw siyang nagsalita.
“’Yun na nga! Baka yung aksidente do’n sa imburnal ‘yung tinatawag na first interaction ng dalawang character. Kasi imagining mo naman, nagkaroon kayo ng interaction dahil sa batang muntik mo ng masagasaan! Oh diba? In a very complicated pa talaga!”
Nang makarating ako sa counter, umorder ako ng dalawang clubhouse sandwich at dalawang lemonade, at hindi parin matapos-tapos si Sandie teorya niya hanggang sa makabalik ako sa kina-uupuan namin.
“Sandie, marami naman talaga tayong nakakasalumuha sa buhay natin.” Wika ko sa kanya upang matauhan siya.
“Pero lalaki this time!” Pangatwiran niya.
“So akala mo babae lang ang nakakasalumuha ko?”
“Ang akin kasi, you met in a very unexpected and complicated way which is ang cool, yung mala-red string ang theme.”
“Your idea of destiny is socially constructed dahil sa kapapanood mo ng anime. May tadhana at may nakatadhana pero hindi sila nakabase sa stereotype at cliché anime references. Just because people met that way, that doesn’t mean they’re end game.” Paliwanag ko sa kanya.
“Sinisira mo talaga imahinasiyon ko. Nambabara ka talaga!” Halata sa mga mata nito ang pagkadismaya kaya napasimangot nalang siya at inalapat ang baba sa lamesa.
Masyado ba akong bitter sa buhay?
Ilang minuto ang lumipas at handa na ang mga inorder namin. Nangtungo ako sa counter upang kunin iyon at tahimik kaming kumain ni Sandie. Hindi na siya muli pa umimik tungkol sa nangyari.
Habang kumakain, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kahit anong pilit ko hindi ko maitatangi na may nararamdaman akong kakaiba sa nangyari. Bumabalik sa utak ko ang mga eksena kanina at imahe ng lalaking iyon.
Hindi mawala sa isip ko ang kanyang mga mata. Kumpara sa iba, walang buhay ito at sobrang dilim. Kung hindi dahil sa sinag ng araw kanina, hindi mo makikita ang kulay abong hugis sing-sing sa gitna ng kanyang mga mata at aakalain mong ito’y sigdilim ng kailaliman ng karagatan.
Matapos kaming kumain, nag-ikot-ikot muna kami upang makapapili ng mga uulamin mamaya. Akala ko’y dinibdib na ni Sandie ang sinabi ko at may pagtatampo pa ito sa akin pero nagsimula naman itong magsalita tungkol sa mga bagay-bagay kaya nawala na ang pangamba ko.
Nang makabalik kami sa bahay saktong kararating lang nila mama at papa. Agad akong nagmano sa kanila at nagbilin na hindi muna ako kakain ng haponan ngayon dahil busog pa ako sa kinain namin kanina. Tumango lang naman sila at nagtungo sa loob ng bahay.
Naka-upo ako ngayon sa duyan at hindi alam kung anong gagawin bukod sa magtutunga. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa para malaman kung anong oras na.
Alas sinko na pala.
Binalik ko ang cellphone ko at itinuon ang pansin sa harap ko. Nagsisimula ng maging kulay kahel ang langit at huni ng mga ibon mula sa himpapawid ay maririnig mo na na tila nagsisi-uwian na matapos ang isang mahabang araw.
Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw subalit nakaharang ang puno ng bakawan kaya napag-isipan kong magtungo sa tulay na kahoy na pag-mamay-ari ng beach na malapit sa bahay namin dahil maari naman itong gamitin ng publiko.
Naglakad ako ng walang ibang minamasdan kung hindi ang papalubog na araw. Nang makarating ako sa dulo nito, umupo ako at tahimik na nagmamasid. Nang dumako ang aking paningin sa dagat, namasdan ko ang damong-dagat na tinatangay ng mahinang agos.
Nabasag ang katahimikan sa tunog ng cellphone ko. May mensahe mula kay Sandie na naghahanap siya sa’kin. Dahil nakadama na ako ng gutom nagreply ako sa kanya kung nasaan ako at nagsabing madala ng kahit anong pagkain.
Ang sagitsit ng hangin at ang agos ng dagat muli ang naging karamay ko sa tahimik na hapong ito habang hinihintay ang pagdating ni Sandie.
Nang napayuko namasdan ko ang pag-itim ng dagat dahil sa papalapit na gabi. Ang kahel na kalangitan ay nagsisimula ng maging pula at lumalamig na ang ihip ng hangin.
Ang tanawin sa dagat na tila kinakain ng kadiliman ang siyang nagpaalala sa imahing gusto kong ibaon sa kinailalimang parte ng dagat subalit naging bangungot ito na siyang patuloy na humihila sa akin upang hindi ako tuluyang makaahon.
Isa-isang bumabalik sa isip ko ang bawat sigundo sa pangyayaring na ‘yon. Isa-isang pilit ipinapaalala ng isip ko mga imahing iyon. Sinubukan kong labanan ang takbo ng utak pero tila may sariling buhay ito at tila pinipilit ng mga kamay nito na padilatin ang aking mata upang mas ipakita sa akin ang mga ganapang nangyari noon.
Bumilis ang t***k ng puso ko at nahihirapan akong huminga. Nandidilim ang aking pangingin kasunod nito’y ang pagsakit ng ulo ko.
Napahawak ako sa bahagi ng tulay habang ang isang kamay ay matinding hinihimas ang noo na halos maramdaman kong napapaso na ako.
“Okay lang ako.” Bulong ko sa sarili habang pinipilit na ikalma ang paghinga.
“Kaya mo’to.”
“Hinga ka lang.”
Hindi ko alam kong ilang makailang beses na akong natuyuan ng pawis habang pinapakalma ang sarili.
Nang mapagtanto kong unti-unti na akong huminahon narinig ko ang mga munting yapak sa aking likuran na patungo sa akin.
Mukhang si Sandie na iyon kaya inayos ko ang aking sarili at huminga mga malamim. Agad akong lumingon upang salubungin siya.
“Ba’t ang tagal m-?”
Hindi pa ba sapat ang mga nangyari ngayon at hanggang sa paglubog ng araw may surpresa parin?
Imbes na mga ngiting aso ni Sandie ang sasalubungin ko, mga matang sigdilim ng paligid ang mismong sumalubong sa’kin.
Napaawang ang bibig nito at napatigil sa kanyang paglalakad na animo’y gulat nang makita ako.
Mukha ba akong multo? O sadyang nakakagulat lang talaga ang pagmumukha ko?
Subalit ang gulat na expresiyon nito ay napalitan ng kanyang malulungkot na mata. Tinikom niya ang kanyang bibig at napabugtong hininga.
Ang nag-aapoy na kulay ng kalangitan ay makikita sa repleksiyon ng kanyang maluluhang mata at sa kanyang biglang paghakbang papalapit sa akin biglang umihip ng isang malakas at malamig na hangin.
Muling umaapaw ang hindi mapalagay na nararamdaman at hindi ko maitatanggi na ang presensya nya’y tila pamilyar.