Si Ashera, na Hara ng Noxaria ay naghanda ng piging para kay Sauro upang italaga itong Propeta.At nais niyang pagkatapos ng piging ay ang inagurasyon upang ibigay kay Sauro ang awtoridad bilang Propeta ng Noxaria.
"Walang sinuman ang hahadlang na itanghal si Sauro bilang Propeta ng Garasus, Sapagkat ito'y may basbas ng mga Immortal at mga Bathala at Bathaluman. Ako na pinuno ng kahariang ito ay ang tunay na may awtoridad na magdesisyon sa kaharian o palasyo.
Ang batas ko ang siyang masusunod, kahit ang konseho ay walang karapatan na pigilan ang itinakda ng Maykapal na si Khendro.Sa oras na hirangin si Sauro na Propeta, siya ay kapantay ng aking kapangyarihan at awtoridad. ",Sambit ni Ashera habang nasa bulwagan ng templo.
"Masusunod Kamahalang Lourdah Ashera.
Kami ay susunod sa iyong pasya at tagubilin.",Sigaw ng mamamayan ng Noxaria.
"Mabuhay ang Kamahalang Hara ng Noxaria. ",Sabay na sigaw ng mga mamamayan.
Samantala sa konseho,mayroong nagngingitngit na paring babaylan.
"Hindi ko gusto ang pamamahala ng Hara,ako ang dapat masunod dito, dahil ako ang pinuno ng konseho.",Saad nito.
"Malabong mangyari ang nais mo, dahil wala tayo sa Enchantadia, Ang batas ng Hara ang nasusunod dito.Ang Garasus ay iba sa Enchantadia, ang Hara at Hari dito,maging ang Propeta ay kinatawan ni Khendro.Ang konseho ay kapulungan lang ng mga diwata kapag mayroong batas na itatalaga,subalit ang Hara at Hari,maging ang Propeta pa rin ang may huling pasya.",Tugon ni Zaurih.
At dumating si Sauro sa Noxaria,
"Mabuhay ang Mahal na Propeta.",Sigaw ng mga mamamayan na pinamunuan ni Syria.
"Mabuhay, dumating na ang Propeta. ",Sambit ni Innocencia.
"Ako'y nagagalak at dumating ka na Sauro.",Saad ni Janissa.
"Nandito ka rin pala Janissa.",Saad ko.
"Kahit saan lang ako sinusugo ng Kamahalang Shaira,ang kabiyak ni Khendro, Kaya nandito rin ako.",Tugon ni Janissa.
At dumating si Ashera,
"Sauro,dumating ka rin sa wakas,matagal ka na naming hinihintay.",Sambit ni Ashera habang niyayakap niya si Sauro.
"Janissa, Hirangin natin siyang Hari at Propeta ng Noxaria.",Saad ni Ashera.
"Masusunod Lourdah Ashera.",Tugon ni Janissa.
"Tara na Sauro.",Saad ni Janissa.
"Sauro, ito ang Maharlikang Hukuman mo bilang Hari.",Sambit ni Ashera.
At tumungo sila sa Bulwagan ng Hari at Hara.
"Ito naman Mahal kong Hari ang trono nating dalawa.Ikaw ang Hari dito at ikaw din ang Propeta. ",Sambit ni Ashera.
At lumabas kami sa Plataporma ng Kaharian.
Nakita namin ang mga mamamayan ng Noxaria.
"Mabuhay ang Haring Propeta ng Noxaria."
pahayag ng mga mamamayan.
"Ikaw ay karapat-dapat na maging Hari at Propeta. Ikaw lamang wala nang iba.",Sigawan nilang lahat.
"Lourdoh Sauro, Ikaw ay itinalaga mula ngayon na Propeta at Hari ng Noxaria.",Saad ni Janissa.
"Hawakan mo ang Setro na ito,ikaw Lang ang nararapat gumamit niyan Kamahalang Sauro. ",Saad ni Ashera.
At hinawakan ko ang Setro at ito ay nagliwanag.
At namangha ang Paring Babaylan.
"Sa loob ng dalawang milenya, ngayon ko lang muling nasaksihan na nagliwanag ang setro na iyon.Ikaw ay ang itinakda at pinili ng Maykapal, karapat-dapat ka ngang maging Propeta at Hari,Lourdoh Sauro.",Saad nito.
Lahat ng mga diwata at mga nilalang sa Emmerandia ay namangha sa kanilang nasaksihan.