Aksara memuat novel & drama bertema dewasa (romansa, kekerasan). Dengan lanjut, kamu menyatakan berusia 17 tahun atau lebih.

oleh Charm Sevet
FALLACY OF MARRIAGE SERIES 01:The Borrowed Husband (Jericho Buenavidez)....May malaking problema ngayon si Ninya Buenavidez, kinakailangan nitong kontakin ang dating asawa na si Jericho Buenavidez na halos isang taon na niyang hindi nakikita. Kasal man sila sa papel at mata ng mga tao ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay hiwalay na sila. Pareho ng may sariling buhay ang mag-asawa sa loob ng isang taon na paghihiwalay. Dahil sa pagbabalik ng matandang Donya na may sakit sa puso upang magbakasyon ng dalawang buwan ay kailangang pabalikin ni Ninya ang asawa sa kanilang bahay. Parehong hindi pa handa kung paano sasabihin na ang dating matamis nilang pagmamahalan ay unti-unting naglaho hanggang ang pagsasama nila ay napalitan ng pait. Kung kaya sa dalawang buwan ay hihiramin ni Ninya ang asawa nito na si Jericho sa kanyang nobya upang magpanggap na maayos ang kanilang pagsasama. Habang hindi pa sila handa sa pag-amin ng tunay na estado ng kanilang relasyon ay kinakailangan nilang magsinungaling. Ito na nga ba ang solusyon upang sila ay magkabalikan? Sa pangalawang pagkakataon, kaya na bang itama ang mga pagkakamali noon? Ngunit paano ang nobya ni Rico na naghihintay sa pagbabalik nito? Hanggang hiram na asawa na lamang ba si Ninya sa parte ng buhay ni Rico? O tuluyan na ngang mapasakanya ulit ito hindi lamang sa mata ng batas kundi sa puso ng kanyang asawa.ic_default
Karena kamu suka Pernikahan, mungkin kamu suka ini juga:
Pernikahan