Minsan si Florah at Sarah ay nag-usap.
"Florah,alam mo ba paano gumamit ng natural na mahica?",Tanong ni Sarah.
"Ayun kay Professor Magus, ang natural na mahika ay walang preparasyon bago gamitin, hindi kailangan ang paulit ulit na Salita at mga iba't ibang proseso,hindi kailangang magtimpla nang kahit anong essensya.Minsan bigkasin mo lang ang orasyon,ito ay eepekto agad,hindi Gaya ng sukdulang itim na mahika na nag-aalay sila ng buhay upang umepekto ang kapangyarihan. ",Tugon ni Florah.
"Paano yun?",Ako nga gumagamit ako ng Convercio upang umepekto kapangyarihan ko.
"Hindi pwedeng umepekto ang natural na mahika hangga't hindi ka bihasa sa puting mahika,At hindi eepekto ang natural na mahika kapag gumagamit ka ng itim na mahika.",Saad ni Florah.
"Maiwan na kita Florah,may pupuntahan pa ako.",Tugon ni Sarah.
"Saan ka pupunta Sarah?",Sigaw ni Florah.
Si Sarah ay naglahong parang bula.
At Mula sa malayo ay narinig ni Morranah ang usapan nila.
"Isang bagong kaalaman ito,Pero paano ko gagamitin ang natural na mahika gayong nabahiran ako ng itim na mahika?"
At naglaho si Morranah.
At si Florah ay bumalik sa Ursula.
Ngunit siya ay tinambangan ng mga sumpakna.
"Sabihin mo sa amin paano gumamit ng natural na mahika?"
"Hindi ko pa alam Kung papaano,itinuro lang sa akin ngunit hindi ko pa ito nagagawa.",Tugon ni Florah.
"Kung ganun saan si Professor Magus?",Tanong ng isang sumpakna.
"Matagal nang patay si Professor Magus.",Tugon ni Florah.
"Hindi kami naniniwala, isa Kang sinungaling.",Tugon ng mga sumpakna.