RANDALL POV
NAGSIMULA na ang leg therapy nila dito sa may lanai. Paulit-ulit siyang pinatayo at pinaupo mula sa wheelchair niya. Sobrang hirap at tagaktak na ang pawis sa buong katawan niya. Nanginginig na nang husto ang mga tuhod niya, parang bibigay na ang mga binti sa bawat subok niya.
"Ayoko na, pagod na ako!" himutok niya, pabalibag na naupo sa wheelchair at hinabol ang hininga.
Nagpameywang si Andrea sa harap niya, salubong ang mga kilay pero may halong pang-aasar ang tingin.
"10 minutes pa lang pagod na?"
"10 minutes na parang dalawang oras para sa akin !" reklamo niya sabay punas ng pawis sa noo.
"So, hihinto ka na? Ganyan ka na lang?" hamon nito sa kanya, tila ba sinusubukan ang pride niya bilang lalaki.
Ngumuso siya at sumandal nang maayos sa wheelchair. "Wala ba akong pr