RANDALL POV
NAGING tahimik ang paligid sa may lanai matapos niyang bitawan ang mga salitang ’yon. “Kung pwede nga lang sana... akin na lang siya.”
Tinitigan niya si Andrea. Kitang-kita ko ang biglaang pagbago ng ekspresyon sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata, at dahan-dahang umawang ang mga labi.
Humigpit ang hawak nito sa gilid ng wheelchair niya, at napansin niya ang panginginig ng mga daliri nito.
May kung anong emosyon ang biglang sumabog sa mga mata nito na pilit pinipigilan.
“Randall…” basag ang boses na panimula nito. Huminga muna nang malalim, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “May dapat kang malaman tungkol kay Ross. Ang totoo kasi, si Ross—”
“Surprise!!! Oh my god, Randall, babe!”
Isang matinis at pamilyar na boses ng babae ang biglang umalingawngaw mula sa loob ng bahay.