RANDALL POV
SI HAILEE na ang nagprisintang magtulak ng wheelchair niya pabalik sa kuwarto. Pagkapasok na pagkapasok namin sa silid ay marahan nitong isinara ang pinto. Hindi niya na pinalipas ang pagkakataon. Hinarap niya ito agad habang nakaupo pa rin sa wheelchair.
“Magsalita ka,” seryosong utos niya, malamig ang boses habang nakatitig sa babae. “Anong nangyari sa ating dalawa? Bakit sa loob ng ilang buwan matapos ang aksidente ko, ngayon ka lang nagpakita? At bakit mo sinasabi sa harap nina Mommy na gusto nilang magkahiwalay tayo?”
Lumuhod si Hailee sa harap ng wheelchair niya. Hinawakan ang dalawang kamay niya, at sa isang kurap lang ay muling naglandas ang mga luha sa pisngi nito. Mukha itong miserable, pero ang utak niya ay pilit na naghahanap ng logic sa bawat galaw nito.
“Becau