RANDALL POV
“PASS mo sa akin, Ross! Corner three!” sigaw niya habang mabilis na pinipindot ang mga button sa controller.
“Hala, bawal! Ika-block kita, Mr. Randall!” tumatawang sagot ni Ross habang pilit na inilalayo ang controller sa kanya.
Naglalaro sila ng NBA sa living room at ramdam niya ang unti-unting pagbabalik ng kakaibang sigla sa katawan niya.
Nakakatuwa dahil kahit blangko ang utak niya, parang may sariling isip ang mga daliri niya habang hawak ang controller. Alam niya kung kailan mag-fo-fake, kung kailan mag-da-drive sa ilalim, at kung paano basahin ang depensa ng kalaban.
Habang nakatitig siya sa gumagalaw na screen, biglang dinaluyong ang paningin niya. Ang tunog ng digital na sapatos na sumasagitsit sa court ng video game ay unti-unting napalitan ng totoong ingay—mga