ANDREA POV
KAKAKARATING lang namin nina Tita Melissa at Tito Rafael sa bahay galing sa kanya kanyang lakad. Habang naglalakad kami papasok ng salas, may kung anong kaba ang biglang sumikip sa dibdib niya. Pero walang naghanda sa kanya sa madaratnan namin pagkabukas ng pinto.
“Ross!!!”
Isang nakakabinging sigaw ang kumawala sa lalamunan niya nang makita si Ross. Walang malay si Ross sa sahig, nakahandusay sa tabi ng nagkapira-pirasong bubog ng nabasag na center table.
May dumadaloy na sariwang dugo mula sa ulo nito. Sa di-kalayuan, nakasandal sa kanyang wheelchair si Randall—namumutla, may bakas ng dugo sa ilong, at wala ring kamalay-malay.
“Oh my god! Randall! Ross!” histerikal na sigaw ni Tita Melissa habang patakbong lumapit kay Randall.
Kasabay ng pagpasok namin ay ang biglang pa