RANDALL POV
ISANG mahaba, nakabibinging tunog ng beep ang dahan-dahang gumising sa natutulog niyang ulirat. Mabigat na mabigat ang talukap ng mga mata niya, at may kung anong matigas na bagay na nakabara sa kanyang lalamunan na nagpapahirap huminga.
Agad na lumapit ang isang doktor upang maingat na alisin ang tubo sa bibig niya. Sa sandaling maalis iyon, humabol siya ng malalim na hininga habang ramdam ang hapdi sa kanyang dibdib at ang matinding kirot ng ulo.
Blangko pa rin ang utak niya. Wala pa rin siyang maalala. Pero may isang bagay na malinaw, isang alaala mula sa salas bago siya tuluyang lamunin ng dilim na paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig niya.
“Dalhin… dalhin natin sa hospital ang Papa… ko.”
Ang boses ni Ross. Ang natatakot, umiiyak, at nanginginig nitong tinig haban