RANDALL POV
ANG pamilyar na malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya habang nakatayo sa harap ng altar ng isang maliit na wooden chapel dito sa Alberta, Canada.
Simple lang ang kasal nila—walang dambuhalang media, walang ingay ng mga fans, at walang magarbong dekorasyon. Ang tanging naroroon lang ay sina Mommy, Daddy, si Ross na gwapong-gwapo sa kulay asul na suit habang hawak ang mga singsing, at ilang malalapit na kaibigan.
Sa nakalipas na mga buwan matapos ang proposal, nagpasya silang dito na sa Canada tumira para sa isang tahimik na panimula. At sa panahong ’yon, paunti-unti, parang mga piraso ng puzzle na dahan-dahang nahuhulog sa tamang puwesto, bumabalik na ang mga alaala niya.
Naalala niya na ang unang beses na hinalikan ko si Andrea sa loob ng kwarto. Naalala niya