┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Sa'yo lang naman galit si Marcus dahil sinabihan mo siya na naiirita ka sa mukha niya nuong naglilihi ka, tapos ngayon nadamay pa kami sa trip niya." Sabi ni Maricris, sabay taas ng kilay habang nakapameywang. Hindi pa rin makapaniwala sa sitwasyon nila ngayon.
"Excuse me..." Agad na sagot ni Amy, sabay irap na parang siya pa ang naaagrabyado. Natatawa naman ang mga kasama nila. Pawisan na silang lahat dahil kanina pa sila naghahanap ng avocado na maraming buto.
"Pasalamat nga siya dahil napaglihian ko siya habang buntis ako sa anak ko. Mapipigilan ko ba 'yung nararamdaman ko? Eh sa naiirita talaga ako sa pagmumukha niya that time. Hindi ko kasalanan 'yon, okay? Dapat nga hindi na lang siya nagpakita sa akin habang naglilihi ako nuon, kung ayaw naman pala niyang marinig ang totoo, tapos ngayon may nalalaman pa siya na gaganti siya at pinaghahanap pa talaga niya ako ng avocado na maraming buto? Pasalamat siya at buntis si Althea kaya ginagawa ko ito." Sabi pa ni Amy, nakatikwas pa rin ang isang kilay niya. Napailing na lang ang mga kasama nila habang tawa nang tawa, naaaliw sa sagutan ng dalawa.
"Swerte ni Nimfa, hindi siya kasama sa paghahanap ng avocado na maraming buto. Jusko, saang lupalop natin 'yan hahanapin?" Reklamo ni Remy, asawa ni Diego, habang pinapaypayan ang sarili dahil sa init at pagod kakalakad.
"Pang-ilang palengke na ba natin ito? Pero kahit saan tayo magpunta, pinagtatawanan lang tayo ng mga tindera. Like seriously, saan ka nakakita ng avocado na maraming buto? May topak talaga 'yang pinuno ko." Naiinis na sabi ni Janine, ang assassin ni Marcus... sabay hugot ng malalim na buntong hininga na parang gusto na lang sumuko. Mas gugustuhin pa niya na mabigyan siya ng misyon kaysa maghanap ng imposible.
"Hindi ko na 'yan problema. Basta ako, kakain lang dito ng mansanas." Sabi naman ni Lyka na assassin ni Marcus habang kumakagat sa mansanas na hawak niya.
"Ah basta ako, kasama lang ninyo for moral support, si Amy lang daw ang maghahanap, so safe ako. Makikikain lang ako ng mansanas kay Lyka." Lumapit pa siya at walang paalam na kumuha ng isa sa plastic bag.
"Tama, same here. Makikikain lang din ako ng mansanas kay Lyka at kayo na ang bahalang mag-isip diyan." Sabi naman ni Trisha na asawa ni Mayson. Hinagisan siya ni Lyka ng isang pulang mansanas na agad naman niyang nasalo.
Tawa na sila ng tawa dahil ang namomoblema ngayon ay si Amy dahil malinaw ang sinabi ni Marcus na si Amy lang ang maghahanap at sila naman ay kasama lang.
"Basta hindi ko na 'yan problema. Not now at least... pero seriously, ano kaya ang ipapagawa niya next time? At sino ang malas na gagawa? Sana hindi ako, please lang... sana si Joyce na lang, or better yet, 'yung kapatid niyang si Celestina." Sabi naman ni Agatha, na asawa ni Thomas. Halos lumuwa naman ang mga mata ng magkapatid dahil sa narinig nilang sinabi ni Agatha.
"Sana Agatha, ikaw ang susunod." Sabi ni Joyce, at nag high-five pa sila ni Celestina.
"Ikaw ang kasunod Joyce, paghahanapin ka ni Marcus ng palakang bukid." Sabi naman ni Adi, ang asawa ni Sebastian, kaya tila ba nawalan bigla ng dugo si Joyce sa kaniyang narinig, at bigla na lamang itong namutla. Humahagalpak na sila ng malakas na tawa dahil sa nakita nilang reaksyon ni Joyce. Hanggang ngayon... kahit napakain nila ito ng palakang bukid ay matindi pa rin talaga ang takot nito sa palaka.
"Huwag ka kasing makinig diyan kay Adi, siya ang paghahanapin ng palaka ni Marcus." Singit ni Ynah na asawa naman ni Arquiz, kaya bigla siyang binato ni Adi ng mansanas na may kagat na. Lalo lamang lumakas ang tawanan nila dahil sa kanya-kanyang asaran.
"Matutulungan ko kayo sa problema ninyo. Wala naman siyang specific na sinabi na sa loob mismo ng avocado ay may maraming buto, right? Ang sabi lang niya, gusto niya ng avocado na maraming buto... so technically, pwede nating gawan ng paraan 'yon. Tama ba?" Pakli naman ni Sandy, ang asawa ng henchman ni Marcus na si Juancho Herrera.
"Pareho lang ba tayo ng iniisip?" Tanong ni Diana, ang asawa ng matalik na kaibigan ni Marcus na si Nato. Nakangisi ito habang lumalapit kay Sandy, sabay bulong sa tainga nito.
Ang laki ng pagkakangiti ni Sandy ng marinig niya ang sinabi ni Diana, at saka sila tumawa ng sabay at nag-high five. Kunot naman ang noo nilang lahat dahil hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng dalawa.
"Paano?" Tanong agad ni Amy habang lumalapit sa dalawa. Gusto niyang malaman agad dahil kanina pa sila kung saan-saan nakakarating, pero wala talaga silang mahanap na avocado na maraming buto.
"Napakasimple lang ng gagawin natin. Bumili kayo ng maraming avocado, at isang malaking tupperware. Iyon lang ang kailangan natin para magawa natin ang gusto ni Marcus na avocado na maraming buto." Sagot ni Sandy, habang tumatango naman si Diana. Kumunot ang noo ni Amy, tila ba naguguluhan siya sa gustong mangyari ni Sandy, dahil kung bibili sila ng maraming avocado, same lang din ang kalalabasan nuon. Isang avocado, isang buto. Pero bigla siyang natigilan at napakunot ang noo ng maisip ang sinabing tupperware ni Sandy at maraming avocado, meaning... avocado, maraming buto at isang tupperware.
"Oh my gosh, I finally understand what you and Diana were trying to say. Bibili tayo ng maraming avocado, tapos hihiwain at kukuhanin ang laman... ilalagay sa tupperware at saka ilalagay sa ibabaw ang mga buto ng bawat avocado, at magkakaroon na tayo ng avocado na maraming buto. Tama ba?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Amy, kaya tawa ng tawa si Sandy at Diana habang tumatango sila. Talon naman ng talon si Amy sa labis na katuwaan. Dahil tama siya. Walang specific na sinabi si Marcus sa kanila. Ang gusto lang nitong ipahanap ay avocado na maraming buto, kaya pwede nilang gawan 'yon ng paraan.
"Buti na lang talaga at nandito kayo." Tuwang-tuwa nitong sabi.
"Jusko, pwede naman pala ang ganiyan, bakit naman pinatagal pa ninyo bago sabihin sa amin?" Naiinis na sabi naman ni Lyka. Tawa tuloy ng tawa si Sandy at si Diana.
"Malay mo naman kasi may mahanap tayo na hybrid ng avocado at papaya, kaya hindi pa ako nagsasalita kanina. Saka nakasunod lang naman tayo, at hindi naman talaga tayo ang naghahanap, hindi ba? At least... nahirapan si Amy sa paghahanap." Sagot ni Diana, kaya tawa ng tawa si Sandy. Tumikwas tuloy ang kilay ni Amy sa inis, pero saglit lang 'yon dahil masaya pa rin siya na nagkaroon ng solusyon ang problema nila.
"Kung sabagay. Nakikita ko kung paano mainis ang isang 'yan. Kahit na best friend siya ni Althea, hindi siya nakaligtas at talagang inuna pa siya ni Marcus, pero ang tanong talaga diyan ay kung ano ang susunod na iuutos niya. Gumaganti talaga si Marcus dahil nahirapan 'yan sa pagbubuntis ninyo, pero at least ako, walang ganyan. Kayo lang talaga ang pahihirapan niyan." Sabi ni Lyka, sabay tawa nito.
"Kasalanan mo talaga 'yan eh." Pakli ni Maricris, sabay pitik niya sa braso ni Amy, kaya tawa sila ng tawa.
"Ikaw Maricris, kanina ka pa naninisi diyan. Gusto mo bang ibalibag kita sa palengke?" Sagot ni Amy, kaya sinupladahan siya ni Maricris. Gayunpaman, ang lahat ng 'yon ay biruan lang nila dahil magkakasundo naman talaga sila at laging magkakasama sa mga okasyon at ilang galaan kapag nagka-ayaan.
"Pikon." Sabi ni Maricris, kaya tawa sila ng tawa. At hindi na rin sila nag-aksaya pa ng panahon at bumalik sila ng palengke upang bumili ng maraming avocado at ng isang malaking tupperware. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagmamadali na silang bumalik sa hacienda nila Julian dahil alam nila na naghihintay na sa kanila sila Marcus.
Hindi naman nagtagal, nakarating sila ng hacienda, dumiretso na agad sila ng kusina, at mabuti na lamang ay nanduon sila Marcus sa kuwadra ng mga kabayo.
Hiniwa nila ang avocado at ini-scoop ang mga laman nito at inilagay sa malaking tupperware. Naghiwa naman si Diana ng maraming sibuyas, kamatis at ng ilang piraso ng cilantro at saka niya 'yon inilagay sa tupperware na puno na ng avocado. Nilagyan nila 'yon ng kaunting asin at paminta, at saka naghiwa ng lemon at ipiniga ng bahagya ang kalahati ng lemon sa avocado, at hinalo-halo nila 'yon hanggang sa halos para na itong paste pero may pagka-chunky. Kaya ngayon ay mayroon na silang guacamole. Pagkatapos ay inilagay nila ang mga buto ng avocado sa ibabaw ng nagawa nilang chips dip at saka sila naglagay sa malaking bowl ng maraming nachos. Ngayon ay meron na silang chips and dip na siguradong magugustuhan ng lahat.
"Woah, sigurado ako na magugustuhan 'yan ni Marcus." Sabi ni Amy habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang guacamole. Kumuha pa siya ng isang chips at saka nag-scoop ng guacamole gamit ang isang piraso ng nachos upang tikman ito. Namimilog ang mga mata niya sa sarap ng pagkakagawa nila ng dip na 'yon.
"Oh my gosh, masarap." Sabi niya. Akmang kukuha ang mga kasama ni Amy, pero agad niyang dinampot ang malaking tupperware at pinandilatan niya ng mga mata ang mga ito.
"Para lang ito kay Marcus." Sabi niya. Saka nagmamadaling nagtungo sa veranda. Sakto naman na paparating na sila Marcus at agad silang nakita.
"May nahanap kayo?" Tanong niya. Tahimik naman ang lahat, habang si Althea ay nakahawak lang sa braso ni Marcus.
"Ayan na ang avocado mo." Sabi ni Amy, sabay turo niya sa malaking tupperware. Kumunot naman ang noo ni Marcus habang titig na titig sa tupperware, at saka muling ibinaling ang tingin kay Amy.
"What's that?" Tanong niya. Ngumiti naman agad ang asawa ni Calix, at saka inalis ang takip ng tupperware. Pagkakita ni Marcus ng guacamole na ang mga buto ng avocado ay nasa ibabaw, tuwang-tuwa na ito at agad na naupo sa silya.
"Wow, mukhang masarap ang pagkakagawa ninyo ng dip." Sabi niya at nagsimula na itong kumain. Ngiting-ngiti si Amy dahil nagustuhan ni Marcus ang ginawa nilang guacamole.
"I bet na asawa ko ang nakaisip niyan." Pagmamalaki ni Nato, pero umiling si Diana at itinuro agad si Sandy, kaya biglang napatingin si Jun, at isang malaking ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Very good kayong lahat sa akin. Masyadong masarap. Tara na at pagsaluhan nating lahat ito." Sabi ni Marcus, kaya kanya-kanya ng dampot ng chips ang lahat upang tikman ang ginawa nilang guacamole.