┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Inihatid ni Marcus ang kaniyang dalawang anak sa private school na pag-aari mismo ng kanilang pamilya. Kalalabas pa lang nila ng sasakyan ay agad na napansin ng mga estudyante ang pagdating nina Ellizar at Mathayus. Tulad ng nakasanayan... maraming mata ang napunta agad sa magkapatid. Some students waved excitedly at them, habang ang iba naman ay tahimik lamang na nakatingin mula sa malayo. May ilan ding tila nahihiyang lumapit dahil alam nilang anak sila ng kilalang pamilya at may ari pa ng school.
"Daddy, papasok na po ako!" Masiglang sabi ni Mathayus habang kumakaway na ito sa kaniyang mga kaklase na naghihintay lang sa kanya.
Tumango naman si Marcus habang pinapanood ang kaniyang bunsong anak na agad tumakbo papunta sa grupo ng mga kaibigan nito. Ni hindi na nga nito hinintay pa ang pagsagot niya.
"See you later! I love you, Dad!" Sigaw pa ni Mathayus. Nakatanaw na lamang si Marcus sa kanjyang bunsong anak na mabilis na tumatakbo, at hindi niya maiwasang mapangiti, pagkatapos ay hinarap naman nito si Ellizar na nakatayo lang sa tabi niya.
"Have a good day, son." Sabi ni Marcus habang inaayos ang kuwelyo ng uniporme ng kaniyang anak na si Ellizar.
"I will, Dad."
Tinapik siya ni Marcus sa balikat bago ito bumalik sa sasakyan. Marami pa itong meetings na kailangang puntahan kaya hindi na ito nagtagal pa.
Pagkarating ni Marcus sa building ng isa sa pinakamalalaki niyang kumpanya ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Kasunod nito ang ilang itim na luxury vehicles na kaniyang security convoy. Mabilis na bumaba ang ilan niyang mga tauhan... tahimik na pumuwesto sa paligid at pinagbuksan siya ng pinto, habang siya naman ay sandaling napatingala sa matayog na gusali na may malaking logo ng kumpanya niya sa pinakatuktok nito bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
Inayos niya ang cuffs ng kaniyang suit habang naglalakad siya patungo sa entrance. The moment he stepped inside the building, halos lahat ng empleyadong nasa lobby ay napatingin agad sa kaniya. Natigilan ang mga ito, at ang kaninang ugong ng mga usap-usapan... biglang naglaho at napalitan ng katahimikan.
"Good morning, Sir Marcus."
"Good morning, Sir."
Sunod-sunod ang pagbati ng mga empleyado, managers, at executives na nakakasalubong niya. Ang ilan ay magalang na yumuyuko habang ang iba naman ay mabilis na tumatabi sa kaniyang daraanan. At gaya ng nakasanayan, bahagya lamang siyang tumatango bilang tugon. Hindi siya humihinto para sa small talk. Hindi rin siya mahilig sa walang kabuluhang usapan. People feared him just as much as they respected him.
Tahimik lamang siyang nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod ang ilan sa kaniyang trusted men. Walang nagsasalita sa mga ito. Walang naglalakas-loob na gambalain ang pananahimik niya. Ramdam ng lahat ang mabigat na presensya niya kahit wala naman siyang ginagawa kung hindi ang maglakad lang patungo sa elevator. At pagdating niya sa private elevator ay agad iyong binuksan ng isa sa kaniyang tauhan na naghihintay sa kaniyang pagdating.
"Any problems?" Malamig niyang tanong habang pumapasok sa elevator.
"None, King Venum. Everything is under control." Sagot ng isa sa kaniyang pinagkakatiwalaang tquhan. Pagkatapos ay tumango siya.
"Good." Simpleng tugon niya.
Habang paakyat ang elevator ay mabilis niyang tiningnan ang schedule na ipinadala ng kaniyang sekretarya sa tablet niya. Tatlong major meetings ang nakahanay para sa umagang iyon, dalawang contract negotiations sa hapon, at ilang reports na kailangan niyang aprubahan bago matapos ang araw na 'yon. Bukod pa ruon ay may ilang matters din na kailangan niyang asikasuhin para sa VENUM Organization, kaya punong-puno ng schedules ang maghapon niya ngayon. Sometimes he wondered if running billion-dollar companies was more exhausting than dealing with criminals and VENUM's enemies.
Ilang sandali pa ay bumukas ang elevator doors. Agad siyang lumabas at tinahak ang executive floor. Tahimik ang buong lugar. Tanging mga top executives, board members... at ilang trusted personnel lamang ang may access sa bahaging iyon ng gusali. At nang makita siya ng kaniyang sekretarya na paparating ay agad itong tumayo mula sa desk nito at sinalubong ang amo niya.
"Good morning, Sir."
"Morning."
Mabilis itong sumabay sa kaniyang paglalakad habang hawak ang tablet. Hindi naman nagsasalita na si Marcus, hinihintay na lang niya kung ano ang sasabihin ng kaniyang sekretarya.
"Sir, your first meeting is already waiting inside your office. Nakarating po siya twenty minutes ago." Wika nito. Napatingin naman si Marcus sa mamahaling orasang pambisig na suot niya, at saka ito bahagyang napatango.
"So he's been waiting for twenty minutes?" Tanong niya.
"Yes, Sir."
"Good." Sagot niya. He preferred people waiting for him, not the other way around. Bahagyang natigilan ang sekretarya sa kanyang narinig, pero ngumiti lamang ito at mas binilisan ang hakbang dahil napag-iiwanan siya ng kanyang amo, dahil bawat isang hakbang ni Marcus... katumbas ng dalawang hakbang niya.
"How about the investors from Singapore?" Tanong pa niya habang naglalakad.
"They already confirmed their attendance for the video conference later this afternoon." Tumango-tango si Marcus at muling nagtanong.
"What about the legal team?"
"They're currently preparing the final documents, Sir." Sagot muli ng kaniyang sekretarya, kaya muli siyang napatango.
Pagdating nila sa harapan ng kaniyang opisina ay agad binuksan ng sekretarya ang pinto, at sa loob ng malawak at eleganteng opisina ay naruon na ang lalaking naghihintay sa kaniya. Agad itong tumayo nang makita siyang pumasok upang magbigay galang sa isang business tycoon.
"Mr. Dux, good morning."
Tahimik lang si Marcus na tumingin sa lalaking naghihintay sa kanya. He calmly removed his coat at iniabot iyon sa isa niyang assistant bago siya lumapit sa conference table.
"Good morning." Sagot pa lang niya. Pagkatapos ay umupo siya sa pinakadulong upuan at malamig na tinitigan ang lalaki.
"Let's begin."
Matapos ang halos tatlong oras na meeting ay natapos din sa wakas si Marcus sa unang schedule niya para sa araw na iyon. Pagkalabas ng huling executive sa opisina niya ay agad niyang ipinikit sandali ang mga mata at napasandal sa swivel chair. Pakiramdam niya ay sumasakit na ang ulo niya dahil sa sunod-sunod na reports, proposals, at mga usaping kailangang pagdesisyunan. Hindi naman bago sa kaniya ang ganuong klaseng trabaho dahil maraming taon na niyang pinapatakbo ang iba't ibang kumpanya niya, pero may mga araw talaga na nakakaramdam din siya ng matinding pagod kahit na kasisimula pa lang ng araw niya. At habang hinihilot niya ang sentido niya ay umaasa siyang magkakaroon man lang siya ng ilang minutong katahimikan bago magsimula ang susunod niyang meeting.
Ngunit ilang sandali pa lamang ang lumipas ay may narinig na siyang katok sa pinto ng opisina niya. Agad siyang napakunot noo dahil malinaw ang bilin niya sa kaniyang mga tauhan na ayaw niyang ginagambala pagkatapos ng mahahabang meeting maliban na lamang kung may mahalagang dahilan. Kaya naman nang bumukas ang pinto at sumilip ang sekretarya niya ay hindi niya napigilang mairita.
"Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Kapag katatapos ko lang ng meeting, ayoko ng istorbo." Malamig niyang sabi. Halatang kinabahan ang sekretarya niya at agad na napalunok bago nagsalita.
"Sorry po, Sir. Pero tumawag po kasi ang principal ng school." Pauna niyang sabi. Hindi agad sumagot si Marcus. Nakatingin lang siya rito habang salubong ang kilay niya.
"At bakit tumawag ang principal?" Seryosong tanong niya.
"May nangyari po sa school. Nakipag-away raw po si Young Master Ellizar sa isang estudyante." Sagot ng kaniyang sekretarya.
Biglang nawala ang pagod na nararamdaman ni Marcus sa katawan niya. Napatuwid siya ng upo at agad na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.
"Ano?!" Sigaw niya.
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kilala niya ang panganay niyang anak. Tahimik si Ellizar, responsable, at bihirang mawalan ng kontrol sa sarili. Hindi ito iyong klase ng bata na basta na lamang sasali sa gulo o makikipagsuntukan nang walang dahilan.
"Sir, according to the principal, Young Master Ellizar was involved in a fight with another student. The matter has been handled for the time being, but the principal is waiting for your instructions and would like to discuss the incident with you personally."
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Marcus. Sumenyas lamang siya sa kaniyang assistant at agad nitong iniabot sa kanya ang coat niya. Isinuot niya iyon habang mabilis na naglalakad palabas ng opisina. Hindi na rin niya hinintay pang magbigay ng mas mahabang paliwanag ang kaniyang sekretarya. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makarating agad sa school at malaman kung ano talaga ang nangyari.
Kasunod niya ang ilan sa kaniyang mga tauhan habang mabilis silang naglalakad sa executive floor. Napapatingin ang mga empleyado sa kanila dahil nakikita nila ang pagmamadali ng kanilang boss. Kilala si Marcus bilang isang taong bihirang magpakita ng emosyon sa trabaho, kaya kapag nakita siyang nagmamadali at seryoso na ang mukha habang kunot ang noo nito ay alam ng lahat na may seryosong nangyari.
Mabilis silang pumasok sa private elevator. Tahimik siyang nakatayo habang naghihintay na makarating sa parking area nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang pangalan ng asawa niya ang tumatawag ay napapikit siya sandali. Napabuntong hininga pa siya bago agad sinagot ang tawag.
"Babe..." Sabi niya.
"Nakipag-away raw si Ellizar sa school!" Agad na sabi ni Althea mula sa kabilang linya. Maririnig sa boses nito na nag-aalala ito. Hindi naman agad nakasagot si Marcus dahil muling nagsalita ang kaniyang asawa.
"Nagbibihis na ako. Pupunta ako duon ngayon."
Napailing si Marcus. Ayaw na ayaw niyang nai-stress si Althea, lalo na ngayon na buntis ito ng quadruplets. Ilang beses na silang pinaalalahanan ng doktor na kailangan nitong magpahinga at umiwas sa sobrang pag-aalala.
"No, baby. Ako na ang pupunta. Actually, on the way na ako sa school." Sagot agad ni Marcus. Narinig pa niya ang malalim na buntong hininga ng asawa niya sa kabilang linya bago ito nagsalita.
"But Marcus..." He cut her off.
"Don't worry. I'll handle everything."
Natahimik lang si Althea sa kabilang linya, pero alam niyang hindi pa rin ito kampante. Pagdating kasi sa mga anak nila, talagang nag-aalala si Althea, pero buntis ito, at hindi ito dapat nai-stress.
"Please, babe... ayokong bumiyahe ka pa. Alam mo namang kailangan mong mag-ingat. You're carrying four babies." Sabi pa ni Marcus. Narinig niyang muli ang malalim na buntong hininga ng asawa niya.
"Nag-aalala lang ako kay Ellizar."
"So am I." Mahinahon niyang sagot. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.
"Ako na ang bahala kay Ellizar. Tatawagan kita agad kapag nalaman ko na kung ano talaga ang nangyari." Sabi pa niya. Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang sumagot si Althea.
"Okay."
"Good. Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala sa anak natin mahal ko." Nakangiting sabi ni Marcus.
"Call me, okay?" Simpleng tugon ni Althea.
"I will. Don't worry babe."
Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinalik niya ang phone sa bulsa ng kaniyang pantalon. Muli siyang natahimik habang nakatingin sa pinto ng elevator. Hindi na niya iniisip ang mga meetings na naiwan niya sa kumpanya o ang mga dokumentong kailangan pa niyang pirmahan mamaya. Ang laman ng isipan niya ngayon ay si Ellizar. Mahigpit nilang pinangangalagaan ang kanilang mga anak dahil balang araw, ang mga ito ang magmamana ng MDD International Academy na pag-aari niya.
The MDD International Academy was one of the most prestigious educational institutions in the country, offering programs from preschool to university. Kaya maraming anak ng mga kilalang pamilya, negosyante, pulitiko, at maging mga banyagang estudyante ang duon na nag-aaral hanggang makatapos ng kanilang degree.
Pagkarating sa paaralan ay agad na bumukas ang pinto ng sasakyan bago pa man ito tuluyang huminto. Mabilis na bumaba si Marcus at diretsong naglakad papasok ng campus. Hindi maiwasang mapatingin sa kaniya ang mga estudyante, guro, at empleyado ng paaralan na kaniyang madaanan. Kita sa kaniyang mukha ang matinding frustration at pagkainis dahil may naglakas-loob na makipag-away sa kaniyang anak... ang kaniyang tagapagmana na si Ellizar.
Dumiretso na agad siya sa kaniyang malaking opisina. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, habang ang mga tauhan niya ay nasa labas lang ng pinto. Kasunod na pumasok ang ilang mga guro, at ang principal na agad na nagbigay galang kay Marcus.
Napatingin si Marcus sa kaniyang anak, at kumunot ang noo niya ng makita niya na may maliit na sugat ito sa baba kaya bigla siyang napatayo. Kita sa mukha nito ang galit.
"Ano ang nangyari sa anak ko?" Galit ang boses nito. Pero bago pa sila makasagot... isang teenager ang pumasok na nasa edad na twelve or thirteen years old. Pero nagulat si Marcus dahil putok ang labi nito at ang isang kilay nito, pero nabigyan na nang lunas ng mga nurse ng school. Tila ba napuruhan ito kaya napatingin siya sa kaniyang anak.
"Dad, sabi po kasi niya kay Julia, liligawan niya si Julia paglaki nila. Hindi ako pumayag, ang sabi ko po ay bawal siyang ligawan kaya inaway niya ako. Nauna po siya Dad, tinulak niya ako ng malakas, at saka binato ng isang libro ng bumagsak ako sa sahig, kaya may galos po ako sa baba. Sinabi po niya sa akin na lampa daw ako, kaya pinatunayan ko lang po sa kanya na hindi ako lampa."
Biglang napahilamos ng palad sa mukha si Marcus ng dalawang beses. Tahimik naman ang mga guro na biglang mga napayuko, at bago pa makapag salita ang principal... ilang katok ang narinig nila, at ng bumukas ito... naglalakad papasok ang mga magulang ng binatilyo na umaway sa anak ni Marcus. Gulat na gulat si Marcus ng makilala niya ang lalaking ama ng binatilyo. Ito ang lalaking ka-meeting niya kanina na kulang tatlong oras.
"Mr. Craig... mukhang nagdadalawang isip yata ako na pirmahan ang business proposal mo sa akin. Hindi ko gusto na may taong nananakit sa aking anak." Sabi ni Marcus. Napalunok ng laway ang tinawag niyang Mr. Craig at saka nito hinila sa braso ang kaniyang anak.
"Dylan Craig, apologize right now, or you will be punished." Mahinang sabi nito sa kanyang anak.
"Dad, ako ang nabugbog." Sagot nito, habang si Marcus ay masamang nakatitig kay Mr. Craig.
"Apologize, now!" May kalakasang sabi ni Mr. Craig sa kanyang anak, kaya agad na lumapit ang binatilyo kay Ellizar upang humingi ng pasensya. Tahimik namang tinanggap 'yon ni Ellizar, pero nagsalita ito.
"Dylan... Julia is off limits. Stay away from her." Wika ni Ellizar. Bahagya namang napangiti si Marcus, pero napatingin siya kay Dylan. Kita sa mukha nito na hindi ito masaya.
Matapos ang ilang pag-uusap ay nagkaayos ang mga ito, at hindi na gumawa pa ng kahit na anong hakbang si Marcus laban sa mga Craig dahil away bata lamang naman ang mga nangyari kahit na ba ilang taon ang tanda ng Dylan na 'yon sa kaniyang anak. Inaamin ni Marcus sa kaniyang sarili na proud siya sa ipinakitang husay ng kaniyang anak dahil hindi ito nagpa-api sa mas matanda sa kanya.
"Tama 'yan anak ko. Ipakita mo sa lahat na hindi kayang ibagsak ang aking susunod na tagapagmana." Bulong niya sa kaniyang sarili habang naglalakad na siya pabalik sa parking lot. Pagkapasok sa loob ng kaniyang sasakyan ay agad niyang tinawagan ang kaniyang asawa.
"Babe, sa tingin ko may karibal na ang anak natin kay Julia paglaki nila. Mukhang magandang labanan ito. Makikita natin kung paano poprotektahan ni Ellizar ang pag-aari niya." Nakangising sabi ni Marcus ng tinawagan niya si Althea.