❀⊱Althea's POV⊰❀
Ang laki na ng tiyan ko. Minsan nga kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko pa rin lubos maisip na apat na sanggol ang sabay-sabay na lumalaki sa loob ng sinapupunan ko. Every single day, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng pagbubuntis. Mas mabilis na akong mapagod, mas mabagal na rin akong maglakad, at kahit ang simpleng pagtayo mula sa sofa ay kailangan ko nang gawin nang dahan-dahan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ako nagrereklamo. Every kick, every movement, and every little discomfort reminds me that our babies are growing stronger each day.
Mahigit isang buwan na lang... isisilang ko na ang apat naming anak. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming alam ni Marcus kung ano ang gender ng mga bata. Ilang beses na ngang inalok ng doctor na