LOST IN ENCHAANTED FOREST
LAND OF NIGHTMARES
WRITTEN BY: Sweetierabbit
CHAPTER 28
"Paano nila kami matutulungan kung lima lang sila?" tanong ko.
"Huwag kayong mag-alala kahit lima lang sila ay may mga especial silang mga kapangyarihan tulad nila Alexton at Elayda,
hindi tulad niyo, limitado ang kapangyarihan, dahil tao kayo,
nagkataon na tanging tao lamang ang makakatalo sa kapangyarihan ni Vhulba, at pinadala kayo dito sa lugar namin.
At sana naintindihan niyo kung ano ang ibig kung sabihin, salamat sa inyo, at sana ay magtagumpay kayo para sa kalayaan ng buong dreamland"
Tumayo na kami at nag paalam...
Pero Bago kami umalis may binigay si Brix sa amin na Isang kwintas na parang Balintataw .
"Brix Para saan ito?"
tanong ni Harrold."
"Isang 'kalasag' para sa Inyong Mga Sandata upang hindi ito makita o maramdaman ng mga miyembro ni Vulba."
"Sege Brix salamat, wala po kaming pambayad sa kinain namin."
"Huwag kayong mag-alala.
nagpapasalamat pa nga kami, dahil ‘di kayo umurong sa laban."
Umalis kaming lahat sa karinderya' na may baon na kaba at pag alala,Panay tingin ko sa limang kasama naming engkanto.
Malayo-layo din ang nilakad namin hanggang sa makakita kami ng kakaibang itim na gate Isang istraktura ng dalawang malalaking ahas na nakanganga,
Bigla kaming huminto, at nagtanong sa limang engkanto, na kasama namin.
"Ito na ba! ang kulungan 'kaibigan?"
tanong ko sa limang engkanto na sumama sa amin.
Tumango lang ang limang engkanto.
Sumilip kami sa 'susian' at may maliit na butas at kita ko sa loob, tama si Brix
ang daming bantay...
parang tumalon ang puso ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Yanni.
Naghanap muna kami ng pahingahan at nagkwentuhan kung ano ang dapat naming gawin.
Natahimik kaming lahat, at parang tinakpan ang bibig ni Hector at ayaw magsalita.
Dahil mas matanda sa amin si Harrold siya ang nagsalita at kung ano ang dapat naming gawin.
"Si Alexton at Elayda ang Maunang' pumasok doon, maraming aso doon diba Alexton?, kaya pwede kayong dalawa ni Elayda magtransform na aso?"
Bago pumasok sila Alexton at Elayda, naging palaka muna sila, napatalon si Hector takot pala siya sa palaka.
Hinihintay namin lumabas ang dalawang palaka, 'a e'
ang dalawang engkanto,,
si Alexton at Elayda.
Pagbalik nina Alexton at Elayda, may dala silang balita na tila kinakabahan kami, parang takot kaming pumasok.
Abangan sa sunod na chapter