LOST INENCHANTED FOTEST
LAND OF NIGHTMARES
WRITTEN BY: Sweetierabbit
CHAPTER 29
"Huwag kayong matakot na pumasok sa loob.
kailangan nating mag pakatatag at maging matapang, para hindi tayo mahirapan sa ating laban,
laban niyo, laban din namin,
lalaban tayo hanggang sa dulo ng ating ipinaglalaban"
Wow...ang ganda naman ng sinabi ni Alexton, Oo nga!
Wala naman kaming 'choice'.
"Pagpasok natin sa loob, bawal kaming mga engkanto na pumasok sa kulungan dahil nakabalot ito ng balabal, kayo lang maaring makapasok doon."
Kumunot ang noo ko at inisip ko talaga kung anong klaseng kulungan yun, kaya bigla akong tumayo at pumunta sa harap ng gate na may nakanganga na dalawang ahas.
Tumayo talaga ang buhok ko sa mukha ng ahas ng gate,
Pinagalitan ako ni Harrold dahil sa ginawa ko.
"Zherrad bumalik ka!
nagmamadali kang pumunta doon, malalagay tayo sa panganib sa mga kilos mo"'
Bumalik ako at umupo at natahimik, ngingiti-ngiti lang si Yanni sakin.
Nagpatuloy si Alexton sa kanyang explenasyon.
"Makinig kayong mabuti, Elayda ikaw bahala Kay Yanni, Jasper ikaw bahala Kay Harrold at Gaven ako naman Kay Hector."
Napakunot ako ng noo bakit hindi ako binanggit ni Alexton.
Ngumiti na lang sakin si Jasper ang pinuno ng limang engkanto na Sumama sa amin.
Paano naman ako Alexton?.
tanong ko sa kanya na kumunot ang noo ko.
Ummm...kaw talaga syempre kasama mo si Hector.
"Pero bakit?"
tanong ni Harrold.
"Sa loob ng gate na iyon ay may malaking gusali na nakabalot ng balabal na nakakalason, hindi kami makakapasok doon, bawal kami.
dahil kapag hinawakan ko ang balabal na iyon, mawawala tayong lahat na parang Bula"
Nang bumukas ang pinto, nakita ko ang espasyo sa loob na napakalawak at maraming tagabantay, agad kaming lumaban.
Nagulat kami na dumami ang limang 'engkanto' na sumama sa amin, yun pala ang tinutukoy ni Alexton na special power nila.
Habang tumatakbo kami ay iniunat namin ang aming mga armas,
Ang tatamaan namin ay bigla silang mawawala, pero gaya ng lima, parang nagdadagdag din.
Nakita kong lumipad ang bala ng ‘tirador’ ni Hector at humiga siya at hinawakan siya sa leeg ng tauhan ni Vulba. Hiwain niya sana ang leeg ni Hector, pero 'pinisil' ni Hector ang ulo niya at lumabas ang apoy sa kanyang kamay.
Biglang nawala ang tauhan ni Vulba.