IKAPAT NA KABANATA
Ano!...si Zherrian ay isang prensesa Harrold?"
Nagulat ang dalawa Gaven at Hector sa sigaw ni Harrold.
"Bakit Gaven, Hector di niyo alam. Akala ko ba'y may kapangyarihan kayo.
Oo... pero di namin na detect na isa palang prinsesa si Zherrian.
Sagot ni Gaven na napakamot na hinihimas ang noo.
"Ngayon Gaven, Hector, Zherrad ipinadala kayo dito sa dreamland para tulungan ang mga engkantado na ibalik ang kapayapaan sa mundo nila..
Tara na alis na tayo bago tayo masinghot nang mga taong berde ang mata."
Habang naglalakad kami sa kagubatan at hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng aming mga paa.
Biglang nagsalita si Prinsesa Zherrian sa likod ko..
"Pwede ba tumahimik ka!"
Nagulat ako paglingon ko, nakita ko si Prinsesa Zherrian, iba na ang mukha niya, mukha siyang beauty queen. Ang ganda niya sa suot niyang mahabang puting damit. Siya ay isang prinsesa, ngunit tanong ko kung bakit siya nagsinungaling, kahit may edad na, lumalabas pa rin na ang bata pa ang itsura, hanggang bewang ang buhok niya at sa sobrang galit niya sa akin gusto niya akong hampasin at parang umuusok ang mga mata niya sa galit.
Na zipper tuloy ang bibig ko.
May napansin kaming kweba
Pumasok na kami at nagpahinga.
Nasa loob na kami ng kweba at nagpahinga muna kami dahil gabi na, nakahiga sa malaking bato ang dalawa Gaven at Hector,
nagmuni-muni na parang nag bibilang sila nang mga bituin sa langit.
"Panaginip lang ba natin ito, magising pa kaya tayo Gaven?" tanong ni Hector.
"Ewan ko basta kung anong meron tayo ngayon at may super powers tayo, gamitin na lang natin ng maayos."
"Isa itong bangungot Gaven."
"Matulog ka na lang diyan Hector.
Tahimik at tulog narin si Hector gayundin sina Gaven at Harrold.
Hindi ako makatulog at kitang kita ko ang liwanag ng buwan sa labas, katabi ko si Prinsesa Zherrian at napansin kong gising pa ito.
Tinawag ko nang mahinahon si Prinsesa.
"Paano niyo sila lalabanan, wala bang paraan para labanan ang mga halimaw nayon, Prinsesa?"
"Meron Zherrad ang hanapin si Hunna."
"Sino Si Hunna?"
tanong ko sa kanya na na
kumunot ang noo ko.
"Kaibigan siya ng Hari, Siya ay isang dalubhasa isa siyang manggagamot at manghuhula."
"May sakit ka ba! prinsesa?"
Pabirong tanong ko kahit alam kong wala naman.
At tanong ko sa kanya kung bakit? siya ay nagsinungaling.
Ngumiti nalang si Prinsesa sakin hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Siya kasi yong may hawak sa mga sandata niyo para labanan ang mga masasama dito saming lugar at siya rin ang may alam kung saan ang aking anak na babae."
Natahimik ako nang bigla at tumingin sa kanya muli ngunit nakutulog na pala ito at hindi ko manlang naitanong sa kanya kung bakit tinawag na dreamland ang kanilang lugar, at dahil wala na akong makausap at tanging mga maliliit na mga hayop nalang ang aking naririnig at kitang kita ko ang sinag ng buwan sa labas, nakatulog narin ako.
Mahamug pa sa labas at napapaligiran na kami ng mga taong itim ang suot nila ay parang ninja at tanging berdeng mata lang nila ang nakikita, Kaya biglang nagising si Gaven nagulat siya sa nakita niya sa labas at bigla niya kaming ginising.
"Prinsesa, Harrold, Hector, Zherrad gumising kayo, may problema tayo maraming kalaban, Napapaligiran tayo ng mga taong itim."
"Huh!..." Biglang tumayo ang prinsesa
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Nag-aalala si Prinsesa.
"Nakita na ba nila ang kwebang ito?"tanong ni Harrold kay Gaven na sobrang nag-aalala na.
"Hindi pa siguro Harrold, medyo malayo pa sila pero napapalibutan na tayo."
end of chapter 1
Ano kaya ang gagawin nila? abangan sa next chapter.