Tanong ko kay Harrold nalilito talaga ako kung ano ba talaga ang meron sa kwintas.
Napabuntunghininga nalang si Harrold sa tanong ko.
"Mamaya na natin pag-usapan yan, ang importante makalabas sa kwebang ito dahil nauubos na ang balabal na nakabalot sa kwebang ito, Zherrad."
Nagulat kami nang biglang nagsalita si Prinsesa Zherrian,
At gulat na gulat kami sa kanyang sinabi saming tatlo.
Kailangan niyo na gamitin ang mga kapangyarihan niyo, ngayon din.
PO!!!....
"Anong ibig mong sabihin Prinsesa Zherrian?
ang alam ko senses lang ang Kapangyarihan namin ni Gaven. paano namin magagamit sa kanila,
hindi ko alam yung isa dito kung anong meron."
Napatingin sa akin si Hector.
"Oo! Alam ko, ako ang tinutukoy mo Hector.
At anong kapangyarihan ang mayroon ako ngayon. sikreto ko na yun."
Umasim nalang ang mukha ni Hector sa akin.
"Bilisan niyo na, wag na kayong dalawa mag away., paparating na ang mga kulto, ang mga halimaw pala."
Pitikin niyo ang mga daliri niyo at may lalabas na power dyan.
Napakamot ng ulo si Hector sa sinabi ni Prinsesa.
"Ano! ...mukha naman tayong anime nito."
"Hector sumunod nalang tayo, bilis wala na tayong panahon."
Sabi ni Gaven kay
Hector.
"Nalilito talaga ako, para tayong character sa animation,
anong klaseng mundo itong napasukan natin" sabi ni Hector
"May oras paba kami nito! Prinsesa?
Nagalit nalang sa akin si Princesa.
Basta Zherrad bilisan mo.
Pitik dito pitik doon, para kaming baliw, wala kaming magagawa kundi ang sumunod, kung hindi ay maglalaho kaming parang bula.
Sinimulan namin ang aming istilo. Inilagay ni Gaven ang magkabilang kamay at sabay pitik sa hintuturo at iba't ibang kulay 'yellow, orange and blue' ang lumabas at sumabog sa puno.
Wala nang biruan sumugod na tayo bilisan niyo wala tayong choice. dahil wala nang balabal na nakabalot sa kweba.