Sigaw ni Prinsesa Zherian sa amin, lumabas kami ng kweba at ginamit namin ang Power namin sa mga halimaw, hindi namin alam kung ano ang itatawag sa kanila,kung matatamaan namin sila ng aming Kapangyarihan bigla silang sasabog.
Ngunit hindi parin sapat ang aming Kapangyarihan dahil dumadami sila.
Wala narin kaming magagawa pa kundi ang tumakbo, tumakas at magtago.
Takbo kami nang takbo at hindi namin alam kung saan kami dalhin ng aming mga paa,
hanggang sa nadapa ako at sumubsub ang aking ilong sa lupa.
Napalingon si Prinsesa sakin at hinila niya ako na para siyang lumilipad katulad nang mga taong kulto,kitang kita ko yong mga mata nila kulay berde at wala silang eyeball.
Dahil sa lakas na paghila ni Prinsesa sakin natatabunan ang aking mukha nang mga dahon galing sa madadaanan namin mga puno at hindi ko halos makita ang daan.
pSa wakas napahinto narin kami at wala narin ang humahabol samin.
Nakakita kami nang isang napakalaking puno at hindi ko kilala kung anong klasing puno dahil ngayon ko lang siya nakita sa talambuhay ko.
At ang kanyang ugat na naka angat sa lupa singlaki ng kweba at feeling naming tatlo ay para kaming lumiit sa laki ng puno
Sa wakas wala ng halimaw na humahabol sa amin, sana wag kaming sundan ng mga pucha na halimaw na yan, pumunta kami sa ilalim ng ugat ng puno at nagpahinga muna kami na parang akala mo kweba, napaupo kami bigla at napasandal kaming lahat sa ugat,
at pagod na pagod.
Nagulat kaming tatlo sa kabila ng katahimikan na may biglang nakakasilaw at
may lumabas na magandang kabayo isa siyang 'unicorn', may nakasakay na lalaki at napakagwapo at mahaba ang buhok at may diamond sa noo.
mayroon siyang mahabang itim na damit na parang bida sa isang "kwentong pantasya".
Nagulat ako at
Pipitikin ko na sana ang daliri ko ng biglang sumigaw si Harrold.
Huwag Zherrad hindi siya kalaban siya ay si Steven ang kanang kamay ng haring Zutra,
Okay hindi na tayo mahihirapang hanapin si Hunna.
"Mali ka Zherrad wala akong karapatang sabihin sa inyo kung nasaan si Hunna."
"Bakit Steven, hindi ba't ikaw ang kanang kamay ni Haring Zutra alam kong may kapangyarihan ka."
"Tama ka Zherrad pero wala akong Karapatan na sabihin sayo, dahil mawawalan ako ng kapangyarihan
dahil isa lang akong utusan."
"Hmmm ... Akala ko malalaman natin kung saan ang daan."
"Pasinsiya na talaga..."
Hay! marunong din pala humingi nang pasinsiya ang mga engkantado.
"Mag ingat ka Zherrad sa lahat ng desision mo dahil ikaw ang nagdadala nang kapangyarihan dyan sa puso mo. Dito sa dreamland sa Isang pagkakamali niyo sa isang iglap ay maylalaho kayong magkaibigan."
Harrold ingatan mo ang kwintas, kung ano mangyari kay Princessa huwag mong kalimutan ibigay sa kanyang anak na babae ang kwintas at huwag mong kalimutan ang secreto."
"SECRETO! Nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Steven kay Harrold , nagulat talaga ako, nanlaki talaga ang mata ko at kinabahan ako sa sekreto ng kwintas,"
Anong sekreto hah! Steven.
Tinanong ko siya?
na kumunot ang noo ko.
"Si Harrold na ang bahalang magpaliwanag Zherrad.
Hanggang sa muli nating pagkikita mga kaibigan."
paalis na sana si Steven Ngunit! muli
itong nag salita.
"Pero bago ako umalis may ibigay akong "clue."" Isang palatandaan, hanapin niyo ang daan na mabango.
Alis na ako, hanggang sa muli mga Kaibigan Ingat kayong lahat."
Umalis na si Steven natahimik kaming lahat na parang naka-zipper ang bibig ko at napansin kong nakatingin silang apat sa akin.
"Bakit! kayo nakatingin may nagawa ba akong mali?,"
Natawa sakin si Hector.
"Hector ano ba yon hah!."
"E Paano may sugat ka parang hiniwa ang ilong mo."
"Oo! May sugat ako sa ilong, tumama ang ilong ko sa lupa at dagdag pa nito, hinila ako ni Prinsesa at nakalutang kami sa 'hangin', hiniwa ang mukha ko nang damo na parang "blade", anong klaseng buhay ito, bakit tayo nandito sa lugar na ito."
Biglang nagsalita si Hector.
"Oo! ano tong nangyari sa atin wala tayong ginawa takbo at magtago."
napabuntunghininga nalang si Hector.
Tahimik ulit ako,habang ang dalawa Gaven at Hector ay nakapikit ang kanilang mga mata habang nakasandal ang kanilang ulo sa ugat nang puno,
Napa-isip ako at
bigla ako tumingin
kay Harrold, nakita ko
siyang Nakasandal
ang kanyang ulo sa ugat nang puno at nakapikit ang kanyang mga mata.
hindi ko talagang
napigilan ang magtanong sa kanya tungkol sa
kwintas sa leeg ni
Prinsesa Zherrian.
"Ahh Harrold
pwede ba kitang tanungin?"
"Ano ba yan Zherrad?"
Pero sarado pa rin
kanyang mga mata.
"Ano ang secreto nang kwintas?"
"Ang kwintas Zherrad
ay may Sumpa, ang kwintas ay mata ni Vulba.
"Sino Si Vulba?..."
"Ano ba talaga yon Harrold?" Tanong ko na kumunot ang noo ko.
"Ang Sumpa Zherrad kung ang kwintas ay hindi sinasadya mapunta sayo at kung ang iyong puso ay puno ng kabutihan, makakamit mo ang buhay na walang hanggan.
At mawawala ang sumpa kung may mamamatay at kung sinasadya mong itong kunin mababaliw ka.
Yan lang alam ko wala na."