At inakit ni Henna si Pharaoh, sila ay nagtalik, at pareho silang hubad sa kama.
At nakatulog silang dalawa.Hindi namalayan ni Pharaoh na wala na siya sa mundo ng mga mortal.Binihisan siya ni Henna, at pinasuot ang damit Hari.
Nagising si Pharaoh na hindi niya alam Kung saan siya.
"Anong lugar ito ,Isang kaharian na malayo sa sibilisasyon ng tao.",Saad niya.
At lumapit sa kanya ang babaeng may pangahang mukha,at may violet na mata.
"Salamat narito na ang aking mahal na Lucifero. ",Saad nito.
Nagulat si Pharaoh, Tumingin siya sa magandang Reyna.
"Hindi mo ako kilala mahal ko, ako si Henna,dinala kita dito sa Kaharian mo."Saad nito.
"Ako si Henna,ang iyong Reyna.Simula Ngayon dito ka na.Huwag ka nang babalik sa mundo ng mga mortal.Ako ang iyong asawa,marami kang sinulat para sa akin,
Ako ang iyong asawa na sinasabi mong Heavena.",Saad nito.
Hinila siya nito at dinala sa portiko ng Palasyo.
"Narito na ang Hari natin,magbigay pugay ang lahat.",Sigaw ni Henna.
At sumigaw ang mga mamamayan ng Nogariah, ",Mabuhay ang ating Hari, tayo'y magdiwang at parangalan ang Hari."
"Mabuhay ang Hari at Reyna ng Nogariah. ",Sigaw ng mga prinsesa.
"Ngayong nandito na ang Itinakda,Wala nang pag-alala dahil may magtatanggol na sa atin.",Saad ni Janissa.
At si Gudiva ay nagsalita,
"Tutal naman malapit na ang pasko, bakit hindi natin ipagdiwang ito kasabay ng kasal ng Hari nating si Lucifero at nang Reyna nating si Henna."
"Magandang ideya yan.",Sabad ni Sheenah.
"Marami tayong iimbentahan, Ang kaharian ng Magartha, Luruska,Elgarod at Adamya.
Ako'y gagawa ng imbetasyon para sa mga imbetado.",Saad ni Sarah.
At lahat ay naghanda sa Kasal ng Hari at Hara ng Nogariah. Ang kasal ni Lucifero at Henna.
Subalit,ang Adamya ay nasa kamay ng masasamang loob.Sinakop ito ni Sator, Hindi ito bahagi ng Garasus,ito ay nasa paghahari ni Emre ng Devas.
Kaya,hindi na nakialam si Khendro dito.
Tanging Garasus ang nasa Kaharian ni Khendro,Ang pinuno ng mga Immortal.
Kaya,hindi na tumungo ang mga lingkod na diwata sa Adamya upang ito ay imbetahan sa Kasal ng Hari at Hara ng Nogariah
Samantala sa mundo ng mga mortal, mayroong gumaganap Doon na naiwang magulang ni Pharaoh.
May Rhoana na mortal,at may Rhoana na diwata,ito ay si Henna.
At may diwata na si Flora,ipinanganak ni Henna kay Lucifero, dinala ito sa mundo ng mga tao.Kung saan nanirahan dati si Pharaoh. Sa pag-iingat ni Rhoana na mortal.
At si Flora ay lumaking may matatag na moral na prinsipyo.Pinalaki ito ni Rhoana kapalit ni Pharaoh. Hinanap ni Rhoana si Pharaoh, ngunit hindi niya ito makita.
"May nakausap akong mga diwata, Anak daw ito ni Pharaoh, nasa Lupain na raw ng mga diwata si Pharaoh, kinuha ng asawa niya.",Saad ni Rhoana na mortal sa kanyang kaibigan.
"Kung ganun, hindi talaga siya tao, kung kinuha siya ng mga diwata,wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. ",Tugon ng kaibigan nito.
At dumating Yung araw na si Flora ay may natuklasan na kapangyarihan, lahat ng hinahawakan niya ay bumibigat.
At nagtataka si Rhoana bakit ganun ang nangyayari.Hindi niya alam na may misyon ito sa mundo ng mga mortal.
Ang misyon ni Flora ay dalhin ang Alpha ni Sarah sa Garasus. Si Sarah ay anak ni Lucifero at Henna.Si Sarah ay isang Makapangyarihang diwata na kayang kontrolin ang apoy.
At dumating Yung araw na inihanda ang trahe de bodang pangkasal ni Henna.
At kamiseta ni Lucifero.
Si Medusa ang pangunahing abay sa kasal ni Lucifero.
At si Izanami ang napiling magkakasal sa kanila.At walang Amang maghahatid kay Henna sa bisig ni Lucifero. Sapagkat iba ang kaugalian ng mga diwata sa kasal.
At ang ibang abay na diwata ay sina Janissa,Janicka, Minerva,Sarah at Sheenah.
Walang abay na lalaki sa kaugalian ng mga diwata.
At may tatlong abay na pandangal.
Si Cleopatra,Batsheba at Jehrah.
Ngunit bago matupad ang kasal ay pinatay si Cleopatra ni Guerra,Sinaksak siya ng Infinix sword.
Kaya ang pumalit kay Cleopatra ay si Safirah.Sapagkat natuklasan sa Garasus na si Cleopatra ay ang Bathaluman ng kasamaan na nagpapanggap na diwata,
Siya si Cleope ,ang Bathaluman ng kasamaan.
Kaya si Cleope ay dinala sa Balaak upang parusahan,sa mga karumaldumal na kasamaan na ginawa niya sa lupain ng mga diwata.
Ilang siglo siyang naghasik ng lagim,at Ngayon natuklasan ang maitim niyang balak,nais niyang magkalat ng lagim sa araw ng kasal ni Lucifero at Henna.
Malalim na dahilan bakit galit si Cleope kay Lucifero, isang hidwaan nila na nag-ugat pa sa lumang kasaysayan ng langit.
Si Cleope ay isang masamang Bathaluman na nais paghariin ang kasamaan sa lupain ng mga diwata.
Nagtagumpay si Janissa na isiwalat ang maiitim na layunin ni Cleope,
At dahil dito ay magkakaroon na ng kapayapaan sa lupain ng mga diwata,Lalo na ang Garasus at Enchantadia.
At si Mitena sa Enchantadia ay sumuko na at pumanig sa panig ni Cassiopeah.
At ang Nordland ay nabawi na sa kamay ni Sator.
Nagdiwang ang Garasus, subalit sa Enchantadia ay may lumitaw na bagong kalaban.Subalit hindi maaaring makialam si Khendro sa Kaharian ni Emre.Yan ay nakasaad sa kasunduan,subalit may kasunduan na kapag tumawid sa Garasus ang kaaway, pupuksain ng Makapangyarihang diwata ang kaaway ng Enchantadia.
Si nunong imaw ay may propesiya na darating ang araw ang Garasus at Enchantadia ay magiging isa,at tatawaging Emmerandia. Ang dalawang Imperyo ng mga Diwata,Si Emre at Khendro ay magkakasundo na magtutulungan sa pamamahala sa dalawang Emperyo.
At si Khendro ay ang nag-iisang Emperador, at Emperatris si Shaira,At si Emre ang magiging tagapayo ni Khendro.
At Doon magsisimula ang Gintong panahon ng Enchantadia at Garasus.