Samantala sa Olympia ay naroon si Echydna, Ang kapatid ni Medusa.
"Sana ay maalala ni Lucifero ang nakaraan niya noong Romulus pa siya.Nangako siya na kapag naalala niya ang nakaraan ay aalisin niya ang sumpa sa ulo ko.
Mawawala na ang mga ahas sa ulo ko.",Saad ni Echydna.
"Tutupad yun sa pangako Kapatid ko, tinupad niya nga ang pangako sa akin, May isang Salita yun kapatid ko.",Tugon ni Medusa.
At tumingin si Echydna sa ulo ni Medusa.
"Nakakainggit ka, matagal mong pinagdusahan ang anyo mo dati, pero ngayon wala na talaga ang sumpa.
Sana ay huwag lumimot si Romulus.",Saad ni Echydna.
"Kailangan mong tulungan siya Echydna sa araw ng kasal niya Gaya noong siya ay si Romulus pa,ganun lang kasimple kapatid ko.",Saad nito.
At Mula sa Agartha ay naroon si Romilla.
"Mahal kong Romulus, Sana ay matuloy ang ating kasal sa Hunyo Adoze, Hindi na ako makapaghihintay na yakapin Kang muli aking mahal ko.",Saad nito.
At tumingin si Romilla sa salamin.
Nakita niya ang Ganda niya na walang kupas, Sa loob ng million na magpakailanman ay Lalo siyang gumanda.
Naging kamukha niya na si Romulus.
Si Romilla ay pangahan,mataas ang noo, at mataas at matangos ang ilong na kuwadrado.
Pati ang baba na malapad.Mapula ang labi, at may kahel na mata.Makurba ang katawan, At maroon ang buhok.
Mataas ang buto sa taas na bahagi ng cheek bone. Tunay na magandang diwata.
At si Lucifero at Henna ay nanganak ng isang babae, ito ay si Saurah, nangako sila Lucifero at Henna na mananatili si Saurah sa kanilang kaharian, at palalakihing tagapagtanggol ng kaharian.
"Kamukha mo siya mahal ko, Tuturuan natin siyang ipagtanggol ang Nogariah sa mga kaaway natin.At darating ang araw ,bibigyan natin siya ng Palasyo na siya ang Reyna.",Saad ni Henna.
At pumunta si Henna at ako sa lupain na aming napagtagumpayan sa mga kaaway.
"Ito aking Mahal, itatayo natin dito ang Kaharian ng Ursula, ipamamana natin kay Saurah ang lupaing ito.",Saad ko.
"Mahal mo talaga ang anak natin,walang nagbago sayo, hindi ko maintindihan bakit nanaig ang Salita mo, siya talaga ang nagligtas sa akin, huwag Kang mag-alala ,hindi na kami mag-aaway pangako ko sayo, Dapat huwag mong kalimutan ang Alpha natin na si Saurah hah.",Tugon ni Henna.
At si Saurah ay lumaking matalino, natutong gumamit ng busog at espada.Hanggang ito ay magdalaga.
"Nalulungkot ako mahal dahil sa anak natin na matagal nang nawawala.Saan na kaya siya?"
"Dinagit siya nang uwak,hindi ko alam saan na siya ngayon.",Saad ko.
Minsan habang Ako'y natutulog,
"Romulus, ako naman talaga si Romilla, ang iyong Henna, balang araw, makikita mo kung gaano ako kaganda mahal kong Lucifero. ",Saad ni Henna habang nakatingin sa akin.
"Tingnan mo ang ginawa natin sa anak ni Lucifero sa mundo ng mga mortal, naghihirap siya ngayon.",Saad ni Sarina.
"Kailangan niyang magdusa dahil sa kasalanan niya noon."Tugon ni Ming.
Usapan nila habang pinapanuod ang nangyayari kay Cleope sa mundo ng mga tao.
"Buti nga sa kanya,matagal tayong niloko ng babaeng yan.",Saad ni Ahimsa.
At dumating ang isang taon,nagkaanak ulit si Henna, at tinawag itong Florah.
Si Florah, ay isang banayad na prinsesa, tinuruan siya ni Henna na huwag maging mapusok sa lahat ng pagkakataon.
At may Ermitanyo na dumating sa Nogariah, siya si Felipo.
"Nandyan na ba ang Avatar?",Tanong nito.
At si Gudiva ay nagtataka sa sinabi nito.
"Avatar?Sinong Avatar?"
Tanong nito.
"Ang Avatar ay ang binigyan ng karapatan na kontrolin ang limang elemento, Ang apoy, hangin,liwanag, kidlat at tubig.",Tugon ni Felipo.
Hindi ko alam na ako sa ngalang Lucifero ay ang itinakdang Avatar.
At lumabas si Florah.
Nakita niya ang Ermitanyo.
"Sino siya Ave Gudiva?",Tanong nito.
"Hinahanap niya ang Avatar.",Tugon ni Gudiva.
"Naalala ko, yan din ang tinuran ni Ave Janissa.",Saad ni Florah.
At dumating ang duwendeng diwata na may pakpak ngunit hindi ito nakikita nila Gudiva.
"Ginoong Felipo, hindi pa handa ang Avatar na tuparin ang misyon niya.",Saad nito.
At umalis ang Ermitanyo sa Nogariah.
At sa Tarsis ay ipinahayag ang Kasal ko at ni Henna. Si Ramilla, na tagapagsalita sa Tarsis.
"Mamaya ay idaraos ang kasal ni Lucifero at Henna, walang sinuman ang makakahadlang. "
At tumugon ang mga Babaeng Immortal,
"Masusunod Ave Ramilla. Tunay na si Romulus at Romilla ay itinakda sa isa't isa."
"Salamat sa pagsang-ayon mga Hukbo ng Tarsis."
At handa na ang Tarsis, sapagkat dito idaraos ang kasal namin ni Romilla.
At dumating na ang araw ng kasal,
Inanyayahan ako at si Henna na tumungo sa Tarsis, at ako ay nasorpresa, hindi ko inasahan na may malaking piging.
"Mabuhay ang Kamahalang Hari at Hara.",Sigawan ng mga Diwani ng Tarsis.
"Humanda ang lahat sa isang Engrandeng kasalan.",Saad ni Gudivah.
"Lucifero na dating may ngalang Romulus, ikakasal kayo ni Henna na dating Romilla, ayan na ang Babaylan na magkakasal sa inyo.",Saad ni Sarina.
At kami ay humarap sa Babaylan.
"Bilang magkabiyak ,binabasbasan ko kayo bilang mag-bana,saksi ang langit mula noon pa na kayo ay iisa.Ngayon ay muli kayong naging isa sa puso,isip,diwa at laman.",Sambit ng Babaylan.
"Kayo ba ay handang tahakin ang magpakailanman Gaya ng pangako niyo noon pa man.",Saad ni Kamiya, ang Babaylan na nagkasal sa amin.
"Handa Kami Ave Kamiya.",Tugon namin.
"At Ngayon sa bisa ng kapangyarihan ng panahon at tadhana,kayo ay iisa pa rin mula noon,ngayon at magpakailanman. ",Saad nito.
At hinalikan ko si Romilla sa labi,at siya ay tumugon, at tumungo na kami sa Templo Imperial upang ganapin ang pulo't gata namin.
At Doon nagsimula ang panibagong yugto ng panahon ng Garasus.At nalalapit nang magkaisa ang Garasus at Enchantadia, Sa oras na tuluyan nang maitaboy ang lipi ni Sator sa Enchantadia.
Sila ay pasakit sa Enchantadia, hindi sila pinahintulutang makarating sa Garasus.
Dahil nilapastangan nila si Nunong Imao na tuluyan nang namaalam sa Enchantadia.
At si Sator ay pinaslang ni Averina, ang anak ko kay Henna.Ngunit ang lipi niya ay nasa Enchantadia pa, hindi pa ito nalipol, at plano ni Averina na ito ay itaboy patungo sa Wakardland.
Hindi sila nababagay na mananatili sa Enchantadia, at maging sa Garasus.
At si Syria na apo namin kay Saurah,ay ipinanganak sa Garasus, sa lupain ng Ursula.At siya ay isang panibagong pag-asa sa lupain.