At dumating na ang katuparan ng propesiya,
Si Khendro at Emre ay nagkasundo na pag-isahin ang Garasus at Enchantadia. At Tatawagin itong Emmerandia, lumagda sila sa kasunduan.
At ang tagapagsalita ni Khendro ay nagpahayag.
"Ayon sa Kasunduan ni Kamahalang Khendro at Kamahalang Emre,sila ay lumagda nang pagkakaisa ng Garasus at Enchantadia, at ito ay tatawaging Emmerandia. Simula Ngayon ang Garasus at Enchantadia ay Tatawagin nang Emmerandia. Ang dalawang Emperyo para sa mga diwata,diwani at lahat nang nilalang na nasa pag-iingat ng Kamahalang Khendro at Kamahalang Emre.Pinagtitibay ng hukuman ng Tarsis ang kasunduang ito, at walang maaaring magpawalang-bisa."
At tinatakan ang Kasunduan.
At Mula noon maraming diwata na ikinalat ang balita sa Adamya,Lireo, Hathoria, Mineaveh, Safiro, at Etheria at sa bawat kaharian ng Garasus.
At Mula noon ay maaari nang makialam si Khendro sa Enchantadia na siya rin naman talaga ang isa sa dahilan bakit ito nabuo, lihim nila ito Emre noon pa man.
At si Haliya ay nahirang na kinatawan ng Enchantadia sa Tarsis.Siya ay napabilang sa mga Bana ni Khendro. Subalit si Shaira pa rin ang pangunahin sa lahat ng Bana ni Khendro, Siya rin ang Pinuno ng mga Bathaluman. At si Cassiopeah ay Doon na nanirahan sa Tarsis, sapagkat gusto niya ng payapang buhay.
At muling binuhay si Nunong Imao upang ipakita sa kanya na natupad na ang kanyang propesiya.
At si Nunong Imao ay namangha sa kagandahan ng Adamya, Ito ay hindi lang isang isla, kundi isang kaharian na pinamumunuan ng Rama at Hara.
"Salamat Kamahalang Khendro sa bagong panibagong buhay, Kayganda ng Adamya, dati mga mahihinang nilalang lamang ang narito at Ngayon ay isang kaharian na may mga hukbo,at mga muog na depensa sa mga kaaway.",Sambit ni Imao habang nakatingala sa langit.
At dumating ang Hara nang Adamya, siya si Adhera,Ang inapo ni Alena,na Mula sa lipi ni Armeah at Darron.
"Nunong Imao, Salamat at ikaw ay nabuhay, nagagalak akong makita Kang muli, Namangha ka ba sa Adamya,ito ay surpresa sayo ni Shaira,ang kabiyak ni Khendro.",Sambit ni Adhera.
"Tunay na Ako'y nagagalak sa aking nakita, Hindi ito ganito kaganda noon, at Ngayon ito'y lupain na nang malalakas na mandirigma at mga Maharlikang mamamayan ng Enchantadia. ",Tugon ni Imao.
"Tara na Nunong Imao at may inihanda kaming Hukuman para sa iyo,bilang tagapayo ng mga Rama at Hara ng Enchantadia. ",Saad ni Adhera.
At tumuloy sila sa Bulwagan ng hukuman ng Adamya.
"Kayganda nito Adhera, hindi ako nagkaroon noon nang ganito kagandang hukuman.
Salamat sa Kamahalang Emre.",Saad ni Imao.
"Dapat lang na parangalan ka, dahil sa iyong propesiya na natupad,Salamat sa iyong hula, At si Khendro ay nagagalak sa iyong hula na natupad.",Saad ni Adhera.
At si Sator ay nagngingitngit sa galit dahil siya ay itinaboy sa Mineaveh, siya ay kinulong dito bilang parusa sa ginawa niyang kasamaan,Si Sator ay binigyan ng mahabang buhay ni Gargan noong buhay pa ito. Si Sator ay bata pa noon, iniwan siya ni Hagorn sa pangangalaga ng taksil na Hathorian,na panggap na kawal ni Pirena.
Si Casilda ay nagkaroon ng pagkakataong mabuhay ng bilyong taon, sa tulong ni Asteria, ang mangkukulam na naging kakampi ni Amarga, Si Amarga ay diwata na madalas makipag-usap sa mga Bathaluman, at ito ay may kapangyarihan na Mula sa mga Bathaluman. Kaya niyang magbigay nang mahabang buhay sa mga nilalang sa Enchantadia at maging sa mga mortal, at dahil sa inggit kay Sarah na Bathaluman ng ala-ala,siya ay nagtaksil sa Tarsis.
At Mula noon ,napuno nang inggit ang puso niya, Kaya siya ay tumungo sa mundo ng mga mortal upang dalhin si Cleope sa Enchantadia upang tulungan siyang labanan ang Lireo at Adamya.
At siya ay pumunta sa Mineaveh, upang palayain si Sator, at upang utusan ito na maghasik ng lagim sa Enchantadia.
"Sator, Nais mong tulungan kitang gumanti sa mga diwata ng Enchantadia, Palalayain kita rito,upang matapos ang lahat ng kahibangan ng mga diwata.",Saad nito.
"Paano mo gagawin yan,At tiyak na ikaw ay parurusahan kapag ginawa mo yan,At baka Ako'y tuluyang palayasin sa Enchantadia.
Ako'y may dugong Hathorian, hindi ko nais na mawalay sa aking angkan.",Tugon ni Sator.
"Huwag Kang mangamba ,sapagkat Ako'y may kapanalig na Bathaluman, tiyak na mas hahaba ang buhay mo,kapag pinalaya kita dito.",Saad ni Amarga.
"Maganda yang iyong inaalok mo sa akin, Makakaganti na ako sa mga inapo nina Ibarro at Danaya.Gagantihan ko sila.",Tugon ni Sator.
"Kung ganun nais mo bang palayain na kita.",Saad ni Amarga.
"Oo,basta tutupad ka sa usapan natin.",Tugon ni Sator.
At nilagay ni Amarga ang kamay niya sa pader na nagkukulong kay Sator. At bigla itong natanggal.
"Malaya na rin ako sa wakas, at gaganti sa mga diwata, At aking igaganti ang aking Amang si Hagorn.",Tugon ni Sator.
"Tara na at tayo'y maghasik ng takot at karahasan sa Enchantadia.",Tugon ni Amarga.
Samantala sa lupain ng Magartha, ay naroon si Janissa at Florah.
"Nakalaya na si Sator, Humanda tayo ,sapagkat sakop ng Emperyo ni Khendro ang Enchantadia, tayo'y maghanda sa panibagong laban.",Saad ni Florah.
At tumungo sa Nogariah si Florah, upang ipabatid kay Henna na muling nakalaya si Sator, at makapaghanda dahil naging kapanalig niya si Amarga.
"Kamahalang Hara Henna, Nabatid namin na nakalaya na si Sator,tayo'y maghanda."
,Saad ni Florah.
"Nalaman namin na siya ay tutungo sa Enchantadia, at yun ay hindi parte ng Garasus, tutulong lamang tayo kapag humingi sila ng tulong sa atin.Iginagalang ni
Khendro ang awtoridad ni Emre,sapagkat ito ay bahagi pa rin nang kanyang nasasakupan.",Saad ni Henna.
"Kung ganun hindi ba tayo mangangamba,Kamahalang Henna.",Tugon ni Florah.
"Ating ipaalam sa Hara ng Adamya ang bagay na iyan.",Sambit ni Janissa.
"Tara na at tumungo sa salamin ni Heavena.",Tugon ni Florah.
At tumungo sila sa bulwagan ng Salamin ng tagapagbalita sa Emmerandia.
"Ave Heavena, ibalita mo sa Adamya ang banta ng panganib sa kanila.",Saad ni Janissa.
At humarap si Heavena sa salamin.
"Mahiwagang salamin ipakita mo sa amin ang Kaharian ng Adamya at nang maibalita sa kanilang Hara ang panganib na darating.",Saad nito.
At tumambad sa salamin ang Adamya at ang Hara na nakaupo sa trono. At Mula doon ay nagkaroon ng komunikasyon ang dalawang kaharian.
"Avesala, Ave Heavena, anong sadya niyo at inyong ipinakita sa amin ang inyong Entablado ng inyong kaharian. ",Saad ni Adhera Mula sa ibang dako ng Emmerandia.
"Ave Adhera, kayo ay maghanda dahil patungo si Sator sa Enchantadia at muli siyang mangugulo. Yan ang dahilan nang aming pagpapakita Mula dito sa aming kaharian. ",Tugon ni Heavena.